Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging self-serving ng Pangulong Marcos, pinuna ng SLP

SHARE THE TRUTH

 1,702 total views

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na maipamalas ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagiging mabuting lingkod bayan sa kabila ng tunay na intensyon nito sa muling pagsabak sa pulitika.

Inihayag ito ni Raymond Daniel Cruz, Jr.-National President ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa pag-amin ng pangulong Marcos kay World Economic Forum President Børge Brende na para sa “political survival” ng pamilya ang kanyang pagbabalik sa larangan ng pulitika.

Ayon kay Cruz, hindi nakakagulat ang pahayag ni Pangulong Marcos na self-serving ang kanyang intensyon sa pagbabalaik pulitika.

Gayunman, inaasahan ni Cruz na pagsilbihan ng mabuti ng pangulong Marcos ang mga Pilipino na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng pagkakataon na pamunuan ang bansa.

“Ang pag-amin ni PBBM na para sa political survival ng pamilya Marcos ang kanyang pagtakbo sa politika ay hindi nakakagulat. Bagamat ito ay isang pag-amin na self-serving ang kanyang intention, hindi rin ito ang mas mahalahagang tanong. Ang tanong na dapat ngayong bigyan pansin ay “Ano na? at Saan ba?”. Ano na ang dapat gawin ng isang Pangulo na nabigyan nang pagkakataong magsilbi sa bayan. Ipakita sana niya ang tunay na katangian ng isang lingkod bayan. Saan ba niya balak dalhin ang bayan?” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Hinimok naman ni Cruz ang pangulong Marcos na ilatag ng malinaw sa taumbayan ang plano ng kanyang administrasyon.

Pinuna naman ni Cruz ang maraming entourage ng Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa Davos, Switzerland na senyales ng pagiging manhid nito sa nararanasang kahirapan ng bansa.

Iginiit ni Cruz na kung ninanais ng pamilya Marcos ang political survival ay mas higit na kailangan ng survival ng Pilipino mula sa iba’t ibang uri ng pahirap.

“Meron bang maliwanag na direksyon ang kanyang pamahalaan? At ang huling tanong ay kaya ba niyang pagmalasakitan ang bayan? Ang pagdala nang mahigit 70 tao sa Davos ay senyales nang pagiging manhid sa kalagayan ng ating bansa. Kung kailangan nang pamilya nila ng “survival” sana naman ay “survival” ng bayan ang pag-isipan niya. Ano na? Saan ba? May malasakit nga ba?” dagdag pa ni Cruz.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 4,787 total views

 4,787 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 18,847 total views

 18,847 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 37,418 total views

 37,418 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 62,702 total views

 62,702 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567