Pagkakaisa ng simbahan at pribadong sektor, malaking tulong sa programa para sa mga nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 964 total reads

Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines social action ministry na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat sektor at simbahan upang maabot ang higit nangangailangan sa lipunan.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP NASSA at National Director ng Caritas Philippines mas malawak ang pagtugon kung may pagkakaisa ang lipunan.

Ito ang mensahe ng obispo sa nagpapatuloy na partnership ng Unilab at Caritas Philippines sa paglingap sa kalusugan ng mga kabataan sa bansa.

“Kapag tayo ay nagkakaisa ay pwede nating pagkaisahin ang ating mga resources at magiging mas epektibo ang ating pagtulong sa ating kapwa,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Muling pinasalamatan ni Bishop Bagaforo ang Unilab sa inisyatibong makipagtulungan sa Caritas Philippines para isulong ang programang ‘Pangakong Proteksyon:Immunity for All Kids’ na nagsimula noong Marso.

September 13, 2022 nasa 100 mga bata ng Diocese of Cubao ang pinagkalooban ng mga bitamina para mapalakas ang resistensya at pangangatawan.

Pinangunahan ni Bishop Bagaforo ang pamamahagi ng vitamins kasama si Caritas Cubao Director Fr. Ronnie Santos, Ceelin Ambassadors Dingdong at Marian Rivera – Dantes, mga opisyal ng Unilab at Ceelin.

Ayon sa ulat ng Unilab mahigit 100-libong kabataan mula sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) ang nakatanggap ng bitamina mula nang mailunsad ang programa.

Apela ni Bishop Bagaforo sa iba pang pribadong sektor na bukas ang simbahang makipagtulungan para sa kawanggawa at kapakinabangan ng mga Pilipino.

“Kami sa Caritas Philippines ay bukas ang aming pintuan na makipag partner sa anumang mga grupo, mga civic organizations, mga non-government organizations at mga business enterprises o institution na ibig nilang makarating ang kanilang tulong sa mga nangangailangan ay pwede naming ma-facilitate sa pamamagitan ng ating Diocesan Social Action Network all over the Philippines,” saad ni Bishop Bagaforo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,554 total reads

 1,554 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,625 total reads

 3,625 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 11,583 total reads

 11,583 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,961 total reads

 48,961 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,232 total reads

 80,232 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,027 total reads

 157,027 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 250,699 total reads

 250,699 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,556 total reads

 1,556 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top