Pagkakapantay-pantay sa ating Lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 131,325 total reads

Ang panahon ng kapaskuhan, kapanalig, ay isa sa mga panahong mas dama ng marami ang kahirapan ng buhay. Sa panahong ito, mas nagiging litaw o obvious ang inequality o hindi pagkapantay-pantay sa ating lipunan.

Sa Pilipinas, isang malalim na suliranin ang patuloy na pag-usbong ng hindi pantay-pantay na kalagayan sa lipunan. Habang ang ilan ay nabubuhay ng marangya at masagana, mayroong mga sektor na patuloy na naaapi at naghihirap. Dapat maging layunin natin kapanalig, ang pagkakaroon ng makatarungang lipunan. Malabong mangyari ito sa ngayon dahil mataas pa rin ang antas ng inequality sa ating bansa. Ayon nga sa isang pag-aaral, ang Pilipinas ang may pinaka-mataas na GINI coefficient sa anim na pinakamalaking ekonomiya sa ASEAN. 41.58% ang GINI coefficient sa Pilipinas habang  sa Malaysia ay 39.37%,  sa Indonesia ay 38.33%, at ang Vietnam,  nasa 35.58%. Ang GINI coefficient ay sukat ng income inequality.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng hindi pantay-pantay na kalagayan sa Pilipinas ay ang limitadong access sa edukasyon. Ang kahirapan ay nagiging sagabal sa pag-aaral at pag-unlad ng mga kabataan. Upang labanan ito, kinakailangan ng mas malawakang programa sa edukasyon at mga scholarship na naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga kabataan na makamit ang kanilang pangarap.

Ang hindi patas na access sa kalusugan at serbisyong medikal ay isa pang aspeto na nagiging sanhi ng hindi pantay-pantay na kalagayan ng mga Pilipino. Ang mga maralita ay mas nahihirapan makakuha ng sapat at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan. Sa pagpapalawak ng universal health care at iba pang programa para sa kalusugan, mas mapaglilingkuran ang pangangailangan ng mas nakararami. Dahil sa kakulangan sa access sa health insurance, mas malaki ang out of pocket payments ng maralita para sa health care, habang mas maliit ang kita nila.

Ang hindi patas na distribusyon ng yaman ay isa ring sanhi ng hindi pantay-pantay na kalagayan ng mga Pilipino. Ang malaking agwat sa kita at pagmamay-ari ng yaman ay naglilikha ng mas malalim na kaguluhan sa lipunan. Para mabawasan ang pagkakapantay-pantay, kinakailangan ng mga polisiya na nagtataguyod ng mas makatarungan na distribusyon ng yaman. Halimbawa nito ay ang pay gap sa pagitan ng babae at lalaki. Kasama din dito ang maliit na sweldo ng trabahante, habang malaki ang mark-up sa mga produkto ng mga negosyante.

Sa larangan ng trabaho, ang kawalan ng job security at mababang pasahod para sa ilang sektor ay naglilikha ng agwat sa kita. Ang pagsusulong ng regularisasyon sa trabaho at pagtataas ng minimum na sahod ay mahalaga upang mabawasan ang agwat sa kita at mapanatili ang dignidad ng bawat manggagawa. Isa pang ehemplo ng kawalan ng job security ay ang kalagayan ng mga jeepney drivers natin ngayon. Malapit na ang deadline ng jeepney modernization. Anong kinabukasan ang naghihintay sa kanila?

Kung nais natin ng tunay na kaunlaran, kailangan natin isulong ang pagkakapantay pantay sa lipunan. Ayon nga sa Gaudium et Spes: While there are just differences between people, their equal dignity as persons demands that we strive for fairer and more humane conditions. Excessive economic and social disparity between individuals and peoples of the one human race is a source of scandal and militates against social justice, equity, human dignity, as well as social and international peace.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 151,141 total reads

 151,141 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 182,875 total reads

 182,875 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 216,999 total reads

 216,999 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 273,405 total reads

 273,405 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 151,142 total reads

 151,142 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 182,876 total reads

 182,876 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 217,000 total reads

 217,000 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 273,406 total reads

 273,406 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top