Pagnilayan ang habag ng mabuting Samaritano, panawagan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,035 total reads

Inanyayahan ng Kanyang Kabanalan Leon XIV ang mga mananampalataya na pagnilayan ang habag ng Mabuting Samaritano at isabuhay ang pag-ibig sa pamamagitan ng pakikibahagi sa karamdaman ng kapwa.

Ito ang mensahe ng Santo Papa para sa 34th World Day of the Sick na ipagdiriwang sa February 11, 2026 sa Chiclayo, Peru.

Sa temang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang larawan ng Samaritano ay nananatiling mahalaga upang muling matuklasan ang kagandahan ng kawanggawa at ang panlipunang aspekto ng malasakit, lalo na sa mga maysakit at nagdurusa.

Aniya, ang tunay na pag-ibig ay hindi nananatiling tahimik kundi lumalapit, humihinto, at kumikilos, sa gitna ng kultura ng pagmamadali at kawalang-pakialam na humahadlang sa tao upang pansinin ang karamdaman ng kapwa.

“We live immersed in a culture of speed, immediacy and haste – a culture of ‘discard’ and indifference that prevents us from pausing along the way and drawing near to acknowledge the needs and suffering that surround us,” ayon kay Pope Leo XIV.

Iginiit ng Santo Papa na ang pangangalaga sa mga maysakit ay hindi lamang personal na tungkulin kundi isang misyon ng buong Simbahan, kung saan may mahalagang gampanin ang pamilya, komunidad, mga health workers, at mga pastoral workers.

Bilang dating misyonero at obispo sa Peru, ibinahagi ni Pope Leo XIV ang kanyang karanasan sa mga taong araw-araw na naglilingkod sa mga nagdurusa, na ayon sa kanya, ay nagiging kongkretong kilos at panlipunang pagpapakita ng habag.

“I referred to the care of the sick not only as an ‘important part’ of the Church’s mission, but as an authentic ‘ecclesial action’,” saad ng Santo Papa.

Iginiit ng punong pastol ng Simbahang Katolika na ang lunas sa sugat ng sangkatauhan ay nagmumula sa pag-ibig ng Diyos na isinasabuhay sa kapwa.

Ipinagkaloob din ni Pope Leo XIV ang Apostolic Blessing sa lahat ng maysakit, kanilang pamilya, at sa mga health workers at pastoral caregivers sa buong mundo.

Prayer of Pope Leo XIV to the Blessed Virgin Mary, Health of the Sick:

“Sweet Mother, do not part from me.
Turn not your eyes away from me.
Walk with me at every moment
and never leave me alone.
You who always protect me
as a true Mother,
obtain for me the blessing of the Father,
Son and Holy Spirit.”

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 25,751 total reads

 25,751 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 105,999 total reads

 105,999 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 200,225 total reads

 200,225 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 260,714 total reads

 260,714 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 273,270 total reads

 273,270 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,850 total reads

 70,850 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top