Pagnilayan ang kabutihan ng Diyos ngayong kuwaresma-Archbishop Valles sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 339 total views

Hinimok ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga mananampalataya na pagnilayan ang kabutihan ng Diyos at ibahagi ito sa kapwa lalo sa paglalakbay ng pananampalataya ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sa kanyang pagninilay sa Misa na ginanap sa San Pedro Cathedral, nitong Miyerkules, ipinaalala ng arsobispo na ang Kuwaresma ay panahon upang mas lalong mapalapit ang bawat Kristiyano sa Panginoon.

“One way to see that we are close to the Lord is to remember the works of the Lord. To list down the goodness of the Lord,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Valles.

Paliwanag ng arsobispo na madalas mas madaling ilista ng tao ang mga kahilingan at pangangailangan sa Diyos, ngunit mas mahalagang alalahanin ang mga pagkakataong naranasan ang Kanyang kabutihan.

“Ingon ang readings karon, to be able to remember how good the Lord has been to you. To list down the goodness of the Lord,” dagdag ng arsobispo.

Ayon sa arsobispo, ang ganitong pagninilay ay makatutulong upang mas makita ng tao ang presensya ng Diyos sa kanilang buhay at maging daan upang higit na mapalalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon.

Bukod sa personal na paggunita sa kabutihan ng Diyos, hinikayat din ni Archbishop Valles ang mga mananampalataya na ibahagi ito sa iba bilang paraan ng pagpapahayag ng pananampalataya.

“Tell others how good the Lord is… Not only remembering, but teaching. Tell people how good the Lord is,” ani ng arsobispo.

Dagdag pa ng arsobispo na hindi kailangang maging pormal na pangangaral ang pagbabahagi ng pananampalataya kundi maaari itong gawin sa simpleng pakikipag-usap sa pamilya, mga kaibigan at maging sa mga kasamahan sa trabaho.

Sa naturang Misa ay ipinagkatiwala rin ng arsobispo sa Panginoon ang iba’t ibang intensyon ng mga mananampalataya, kabilang ang panalangin para sa pamilya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands, isang taon ang nakalilipas.
Binigyang-diin din ng arsobispo na ang bawat panalangin at kahilingan ng mga mananampalataya ay ipinagkakatiwala sa Diyos lalo na sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

“We entrust that intention to the Lord, especially in this Eucharist,” ani Valles.

Kabilang sa mga dumalo sa banal na misa ang pamilya ng dating punong ehekutibo sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte.

Hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na gamitin ang panahon ng Kuwaresma upang pagnilayan ang kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay at maging saksi ng Kanyang pagmamahal sa kapwa habang nalalapit ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 150,654 total views

 150,654 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 180,878 total views

 180,878 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 207,524 total views

 207,524 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 302,497 total views

 302,497 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 313,676 total views

 313,676 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top