Pagpapabakuna, pinakamabisang proteksyon laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 334 total views

Iginiit ng Department of Health na ang proteksyong hatid ng COVID-19 vaccine ay mahalaga upang maiwasan ang posibilidad ng malalang epekto ng virus sa katawan.

Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ngayong batid ang banta ng Omicron variant, dapat higit na isaalang-alang ng mamamayan ang kaligtasan ng bawat isa upang tuluyan nang masugpo ang pandemya.

“Kailangang mag-ingat tayong lahat at mabakunahan kasi vaccination offers a layer of protection in order to mitigate ang COVID-19 transmission at ma-ensure na hindi gaanong serious, less severe if tayo ay na-infect ng COVID-19 Omicron variant,” bahagi ng pahayag ni Cabotaje sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Batay sa tala, higit sa 30-milyon ng populasyon ng Pilipinas ang magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin nakakatanggap ng anumang dose ng COVID-19 vaccine.

Layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 90-milyong Filipino bago matapos ang Hunyo 2022.

Kabilang din dito ang makapaglaan ng 72-milyong booster shots para sa adult population mula 18 taong gulang at pataas; mabakunahan ang higit 12-milyong populasyon ng mga nasa 12 hanggang 17 taong gulang; at 15-milyon naman ng mga nasa lima hanggang 11 taong gulang.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 53-milyong Filipino na ang kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19, habang nasa higit 3-milyon naman ang nakatanggap na ng booster shots.

Naitala rin ngayon ng Pilipinas ang 32,246 na panibagong kaso ng virus dahilan upang umabot sa mahigit 208,164 ang aktibong kaso.

Samantala, kinikilala at ginagalang ng Simbahang Katolika ang malayang pagpili ng sinuman sa pagnanais nitong magpabakuna o hindi batay sa kanyang konsensya.

Ngunit sakaling hindi magpabakuna ang isang indibidwal, tungkulin naman nitong patuloy na pangalagaan ang sarili, maging ang kapwa upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,565 total views

 20,565 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 43,717 total views

 43,717 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 113,831 total views

 113,831 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 188,445 total views

 188,445 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 267,051 total views

 267,051 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top