VeritasPH

The Word, The Truth

Pagpapaliban sa religious activities sa Diocese of Balanga, ipinag-utos ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 138 total views

Muling isinailalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Enhanced Community Quarantine ang buong lalawigan ng Bataan simula ngayong araw, Agosto 8 hanggang 22.

Ito’y bunsod ng muling pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lalawigan gayundin sa bilang ng nahawaan ng Delta variant.

Dahil dito, ipinag-utos ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagpapaliban sa pagsasagawa ng mga religious activities sa buong Diyosesis ng Balanga bilang pagtalima sa panuntunan ng IATF sa ilalim ng ECQ at upang matiyak din ang kaligtasan ng mga mananampalataya laban sa virus.

“Now that ECQ status has been approved by national IATF, religious gatherings are prohibited. From August 8-22, 2021, let us abide by and follow the national IATF protocols especially on religious gatherings,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Hinikayat rin ni Bishop Santos ang mga parokyang sakop ng Diyosesis na suspendihin muna ang pagdiriwang ng mga Sakramento tulad ng binyag at kasal, habang patuloy namang isasagawa ang mga Banal na Misa sa pamamagitan ng online live streaming.

“Thus, let us close our Parish Churches for public Sacramental celebrations. Holy Masses will only be online, live streaming with very limited attendees such as lector, choir of three and our in-house personnel. We suspend Baptisms and reset Weddings,” ayon sa Obispo.

Batay sa tala ng Bataan Provincial Health Office, umabot na sa kabuuang bilang na 14,643 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong lalawigan kung saan 1,974 rito ang aktibong kaso, habang 16 naman ang naitalang nagpositibo sa Delta variant.

Samantala, umabot na rin sa mahigit 122,000 mamamayan ng lalawigan ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine, habang nasa higit 115,000 naman ang kumpleto na sa bakuna.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,838 total views

 12,838 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,823 total views

 20,823 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,359 total views

 28,359 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,344 total views

 44,344 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,388 total views

 52,388 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Parokya at mga katolikong institusyon, hinikayat ng Caritas Philippines na makilahok sa 10 Million Solar Rooftops Challenge

 952 total views

 952 total views Nakiisa ang Caritas Philippines sa 10 Million Solar Rooftops Challenge bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang napapanatiling pag-unlad ng bansa. Ang proyekto ay umani rin ng suporta sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa ginanap na 41st National Social Action General Assembly (NASAGA)

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 2,532 total views

 2,532 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 4,271 total views

 4,271 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 4,946 total views

 4,946 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 3,757 total views

 3,757 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 4,062 total views

 4,062 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 8,399 total views

 8,399 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 8,950 total views

 8,950 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 9,226 total views

 9,226 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 7,642 total views

 7,642 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 15,563 total views

 15,563 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

 18,742 total views

 18,742 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan. Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura. Ginawa ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

 18,778 total views

 18,778 total views Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano. Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig at katarungan,panalangin ng Obispo sa bawat kristiyano

 22,048 total views

 22,048 total views Umaasa si Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo na ang bawat binyagang kristiyano ay nagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig, at katarungan sa kanyang puso. Ayon kay Archbishop Lazo, ang binhing ito’y kailangang lumago upang patuloy na maisabuhay at maipalaganap sa bawat pamayanan tungo sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan. Ang pagninilay ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

 21,817 total views

 21,817 total views Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan. Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top