Pagpapanatili ng Rule of Law, panawagan ni Pangulong Marcos Jr., sa banta ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,751 total reads

Nagsalita na rin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pahayag ni Vice-President Sara Duterte.

Sa talumpati, binigyang-diin ng Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng Rule of Law at ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan o pagbabanta, kahit pa ito’y galing sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.
“Ito ay hindi dapat palampasin. Ang ganitong kriminal na pagtatangka ay labag sa ating demokrasya at sa prinsipyo ng hustisya,” ayon sa pahayag ng Pangulo, kasabay ng panawagan sa lahat ng opisyal na sundin ang kanilang sinumpaang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas.

Hinikayat din niya ang transparency sa lahat ng mga isyu, partikular na sa mga kasalukuyang imbestigasyon na isinasagawa ng Senado at House of Representatives.

“Ang katotohanan ay hindi dapat i-tokhang. Hindi sana hahantong sa ganitong drama kung sasagutin lamang ang mga lehitimong katanungan,” dagdag pa ng Pangulo.

Nagbigay siya ng babala laban sa mga maling gawain na naglalayong sirain ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Sinabi ng pangulo na dapat manaig ang batas at ang tamang proseso, anuman ang sitwasyon o sinuman ang maaapektuhan.

Bilang isang dating mambabatas, binigyang-diin niya ang kanyang respeto sa Kongreso bilang isang independienteng sangay ng gobyerno at sa kapangyarihang gampanan nito ang oversight function sa executive branch.
Sa kabila ng mga kontrobersya, sinabi ng Pangulo na patuloy niyang tutukan ang pamamahala para sa ikauunlad ng bansa.

“Hindi natin iko-kompromiso ang Rule of Law. Kailangan manaig ang batas sa anumang sitwasyon, sinuman ang tamaan.”

Hamon din ng Pangulo sa lahat ng opisyal at sa mamamayang Pilipino, na patuloy na maglingkod para sa ikauunlad ng Republika ng Pilipinas at para sa matamo ang Bagong Pilipinas.

Una na ring nanawagan si Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na isantabi ang pulitika, at tutukan ang mga pangunahing pangangailangan ng publiko.

Igiiniit din ng arsobispo, ang tamang pangangasiwa sa pondo ng bayan para pakinabangan ng higit na nangangailangan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 134 total reads

 134 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,287 total reads

 50,287 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 135,653 total reads

 135,653 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,388 total reads

 182,388 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,260 total reads

 230,260 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 331,798 total reads

 331,798 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top