Pagpapasara sa Boracay, hindi na usaping pera

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 431 total reads

Hindi na tungkol sa kikitaing salapi ang usapin ng pagpapatupad ng closure sa Boracay Island sa Aklan.

Ito ang inihayag ni Department of Tourism Assistant Secretary at Spokesperson Ricky Alegre kaugnay sa gagawing pagsasaayos sa kapaligiran ng isla.

Paliwanag ni Alegre, kinakailangan isantabi ng pamahalaan at ng mga pribadong mamumuhunan ang kanilang perang kikitain dahil mas mahalagang mabigyang pansin ang pagliligtas, pag-upgrade at pag-sustain sa kalikasang pinagmumulan ng kabuhayan ng mga lokal na mamamayan.

“At this point sinabi po ni Secretary Wanda Tulfo Teo, hindi po tungkol sa income na ito. We are now looking to save it, to upgrade it and to sustain it and often times, kailangan natin kumbaga we need to bite the bullet, swallow the bitter pill if we are to achieve that.” pahayag ni Alegre sa Radyo Veritas.

Pagbibigay diin ni Alegre, kinakailangan ng sakripisyo hindi lamang sa mamamayan kundi maging ng mga mamumuhunan bagamat ang ilan ay compliant sa tamang waste disposal ay apektabo pa rin sila ng krisis na kinakaharap ng isla dahil sa mga katabing establisyimento na iligal na nakatayo at hindi sumusunod sa batas.

Sinabi naman ni Alegre na kung matutuloy ang pagpapasara sa isla ay maaari din itong maging magandang oportunidad para sa mga pribadong negosyante na suriin at kumpunihin ang kanilang amenities upang mas mapag-ibayo pa ang paghahatid serbisyo sa mga local at foreign tourists na bumibisita sa Boracay.

Tiniyak ni Alegre na hindi dapat mabahala ang mga negosyante sa maaaring maging epekto sa turismo ng pansamantalang pagpapasara sa Boracay dahil para ito sa kapakanan ng lahat.

“A little sacrifice yun ang hinihiling ng inter-agency, sacrifice a little, in fact some hotels sinasabi samin if it does happen, it will be opportunity para sa kanila na magkaroon din ng general clean up, nung kanilang facility. Yung iba syempre nag-aalala sila sa epekto, ang sabi naman naming kapag na communicate ng tama ito, sa mga turista, locally and foreign, pati sila, dahil ang ganda ng Boracay pati sila susuporta dito.” Dagdag pa ni Alegre.

Sa pagtataya ng DOT noong 2017 ay humigit kumulang 2-milyong mga local at foreign tourists ang bumisita sa isla ng Boracay, at nagdala ng 56 na bilyong pisong kita sa bansa.

Matatandaang sa Encyclical Letter ni Pope Francis na Laudato Si ay ipinapaalala ng Santo Papa na kung hindi maaagapan ang laganap na paglikha ng mga basura ay magmimistulang malawak na tambakan ng basura ang buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 955 total reads

 955 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 43,381 total reads

 43,381 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 150,257 total reads

 150,257 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 194,924 total reads

 194,924 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 217,106 total reads

 217,106 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 390,026 total reads

 390,026 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top