Pagpapayabong ng pananampalatayang katoliko ang misyon ng pagtatayo ng chapel sa SM malls

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,605 total views

Pakikiisa sa malakas na pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino ang hatid ng bagong Kapilya sa SM Grand Central sa Caloocan City.

Ito ang paniniwala ng SM Prime Holdings at SM Group matapos buksan sa mga mananampalataya ang Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel sa nasabing bagong establisyemento noong Disyembre ng taong 2021.

Magugunitang pinangunahan ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagdiriwang ng banal na misa sa pagbubukas ng Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel na matatagpuan sa ika-limang palapag ng SM Grand Central Mall.

Dumalo sa pagpapasinaya ng bagong kapilya ang ilang miyembro ng pamilya Sy sa pangunguna ni SM Prime holdings Executive Committee Chairman Hans Sy Sr. kasama sina Ms. Carol Sy, at SM Engineering Design and Development President Hans “Chico” Sy Jr.

Ang kapilya na may lawak na 1,025 metro kwadrado at may kakayanang tumanggap ng hanggang sa 1,000 mananampalataya.

ipinagdiriwang dito ang banal na misa tuwing ika-12:15 ng tanghali at anticipated mass tuwing alas singko ng hapon kada araw, habang alas sais naman ng gabi tuwing araw ng linggo.

Personal na pinili ng matriarch ng pamilya Sy na si Mrs. Teresita Sy ang Our Lady of the Most Holy Rosary bilang titulo ng nasabing kapilya.

Magugunitang si Mrs. Sy ay isang Marian Devotee at taga suporta ng Simbahang katolika na naging dahilan kaya’t ilan sa kanilang mga establisyemento ang mayroong din mga kapilya tulad ng Chapel of the Eucaristic Lord sa SM Megamall, Shrine of Jesus, the way, the truth and the life sa SM Mall of Asia Complex at Chapel of San Pedro Calungsod sa SM Aura sa Taguig at SM Seaside sa Cebu.

Ang nasabing bagong Kapilya ay pinangangasiwaan ni Rev. Fr. Paul Nicklaus Woo sa patnubay ng Diyosesis ng Kalookan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,764 total views

 49,764 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,633 total views

 45,633 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,835 total views

 81,835 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,477 total views

 90,477 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,597 total views

 115,597 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 82,757 total views

 82,757 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top