Pagsasaayos sa Archdiocesan Shrine of St.Joseph the Patriarch, bunga ng pag-ibig at pag-asa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,891 total reads

Itinuturing ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera na bunga ng pananampalataya, pag-ibig at pag-asa ang newly renovated interior ng Archdiocesan Shrine & Parish of St. Joseph the Patriarch sa San Jose, Batangas.

Ito ang pagninilay ng Arsobispo sa pagpapasinaya sa bagong ayos na Simbahan noong ika-25 ng Agosto, 2025 kasabay na rin ng paghahanda para sa ika-25 anibersaryo ng pagkakadeklara sa Simbahan bilang Archdiocesan Shrine noong 2001.

Ayon kay Archbishop Garcera, ang pagsasaayos at pagpapaganda sa dambana ay maituturing ding isang tugon sa Sinodo na ang Simbahan ay isang lugar kung saan nakikita ang tatlong haligi ng Sinodo na -participation, communion, and mission.

Layon nito na bilang tahanan ng Diyos ay mas mahihimok nito ang mga mananampalataya na ganap na makibahagi sa misyong higit na palaganapin ang Mabuting Balita ng Diyos at pagpapasalamat sa taon ng Hubilehiyo.

“Ang pagbabasbas ng inyong kisame at pagpapaganda ng Simbahan, tanda Fr. Arnold [Fr. Arnold Rosal, OSJ – rector and parish priest] ng inyong tugon sa Sinodo na nagsasabing ang eukaristiya, ang Simbahan ay lugar kung saan nakikita ang tatlong haligi ng Sinodo -participation, communion, and mission. Pinaganda ninyo ang Simbahan sapagkat ito ang bahay ng Diyos.” Bahagi ng pagninilay ni Archbishop Garcera.

Dinaluhan ang pagpapasinaya sa newly renovated interior ng Simbahan ng mga opisyal ng bayan ng San Jose, mga lingkod ng Simbahan ng dambana at maging ng mga opisyal ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na pinuri ang maayos na pagkakapreserba ng arkitektura at kasaysayan ng Archdiocesan Shrine & Parish of St. Joseph the Patriarch na itinayo noong 1812.
Ayon kay NHCP Chairperson Regalado Trota Jose, mahalaga ang pagtiyak hindi lamang sa kagandahan ng Simbahan kundi sa mismong katatagan ng istruktura nito upang masigurado hindi lamang ang kaligtasan ng bawat isa kundi maging ang pagpapatuloy ng misyon nito sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Jose, kabilang sa layunin ng sining ang maipalapit ang bawat isa sa Diyos kaya naman umaasa ang opisyal na maging daan ang newly renovated interior ng Simbahan upang patuloy na makapagbigay ng inspirasyon sa hatid na mensahe ni San Jose at ni Hesus para sa lahat.

Iginiit ng opisyal, walang katuturan ang kagandahan ng Simbahan kung hindi nito mahihikayat ang mga mamamayan na maging mabuti sa kanyang kapwa nilalang.

Umaasa naman si Archbishop Garcera na ang bagong anyo ng dambana ay higit na makapaghikayat ng mas maraming mananampalataya na magsimba at mag-alay ng debosyon kay San Jose kung saan umaasa ang Arsobispo na tulad ng kisameng nag-aalaga sa loob ng Simbahan, nawa ang pananampalataya ay maging kanlungan din ng bawat isa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,653 total reads

 1,653 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,783 total reads

 1,783 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,234 total reads

 4,234 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,639 total reads

 60,639 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,145 total reads

 184,145 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,430 total reads

 269,430 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top