Pagsasampa ng kaso laban sa Shell, suportado ng CBCP-ECSA-JP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 76,212 total reads

Opisyal na nagpasa ng kaso noong December 11, 2025 sa United Kingdom ang 67 biktima ng Super Typhoon Odette mula Cebu at Bohol laban sa oil giant na Shell, isang makasaysayang hakbang na layong papanagutin ang kumpanya sa mga pinsalang dulot ng lumalalang krisis sa klima.

Ayon sa mga nagsampa ng kaso, may pananagutan ang Shell sa bigat ng pinsala ng Bagyong Odette noong 2021 dahil sa malaking ambag nito sa global carbon emissions at climate change.

Hiniling ng mga biktima ang financial compensation para sa mga nasawi, nasaktan, at nawalan ng tahanan, pati na rin ang paghihigpit sa operasyon ng korporasyon na patuloy na nagdudulot ng polusyon.

“This moment truly matters because it centers on the voices of communities who suffered immense loss yet have long been unheard,” ayon sa pahayag.

Kinilala naman ng Simbahang Katolika ang pagsasampa ng kaso bilang mahalagang hakbang sa moral at panlipunang pananagutan.

Binigyang-diin ni Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (CBCP-ECSA-JP) at pangulo ng Caritas Philippines, na hindi maaaring manahimik ang Simbahan habang patuloy na naaapektuhan ang mahihirap ng krisis sa klima.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang kaso ay paalala na ang desisyon at kapabayaan ng malalaking korporasyon ay may tunay na epekto sa buhay ng mga tao.

Kasabay ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileo ng Pag-asa, nanawagan ang obispo sa pamahalaan, pampublikong sektor, at mamamayan na makiisa sa panawagan para sa climate accountability at kaligtasan ng mga komunidad, lalo na sa gitna ng mga desisyong nagbabalik sa mapanganib na fossil fuel dependence.

“Let us support efforts that seek truth, accountability, and healing. Climate justice is not against development. It ensures that development does not sacrifice lives, creation, and future generations,” ayon kay Bishop Alminaza.

Ang pananalasa ng Super Typhoon Odette, na may international name na Rai, noong 2021 ay nagdulot ng malawakang pinsala sa Visayas at Mindanao, kumitil ng daan-daang buhay, at puminsala sa libo-libong tahanan at kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 135,959 total reads

 135,959 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 210,530 total reads

 210,530 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 243,980 total reads

 243,980 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 279,278 total reads

 279,278 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 500,505 total reads

 500,505 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,449 total reads

 159,449 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top