Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,980 total reads

Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo.

Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon.

Binanggit ni Edduba na ang simbahan ang nagpakilala at naghatid ng edukasyon sa mga katutubong pamayanan ng Kalinga, kaya karamihan sa mga ito ay naging mga Kristiyano.

“Most of the people here in the province of Kalinga are Catholic community. Because sila ‘yung unang pumunta dito, sila ‘yung nag-introduce ng education, including the spiritual education of the people here. Even some of the community projects we started were also started by the church. It’s just a matter of continuing and sustaining it sana para lalo sanang matulungan itong mga katutubo,” pahayag ni Edduba sa panayam ng Radio Veritas.

Naniniwala ang gobernador na ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng simbahan at pamahalaan ay maituturing na mabuting pamamahala, sapagkat higit nitong natutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Ibinahagi ni Edduba ang mga kaugaliang pinahahalagahan ng mga taga-Kalinga na “paniyaw, ngilin, at bain,” na nangangahulugang paggalang sa Diyos, kalikasan, at pamayanan, na makakatulong sa pagpapatupad ng mabuting pamamahala.

“We are trying to revive this as a means of further inculcating in people a love for God and a love for the community… Sabi ko nga, ‘pag ang isang leader has a good Christian values, siguradong ‘yung gobyerno niya, it’s a good governance,” ayon kay Edduba.

Ang pahayag ni Edduba ay kaugnay ng paglulunsad ng National Indigenous Peoples Month 2024 sa Sitio Bubog, Barangay Nabuangan, Conner, Apayao, sa pangunguna ng Apostolic Vicariate of Tabuk katuwang ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP).

Dumalo rin sa nasabing gawain sina Tabuk Bishop Prudencio Andaya Jr., CBCP-ECIP chairman Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, CBCP-ECIP executive secretary Tony Abuso, mga pari ng Bikaryato ng Tabuk, at mga katutubong Isneg.

Ipagdiriwang naman sa ika-13 ng Oktubre ang Indigenous Peoples’ Sunday, kasabay ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Pilipinas ng Season of Creation.

Tema ng Linggo ng mga Katutubo para sa susunod na dalawang taon ang “Lakbay-Laya: Pilgrims of Hope in Ancestral Domain.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,417 total reads

 32,417 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,184 total reads

 83,184 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,055 total reads

 131,055 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,003 total reads

 235,003 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,448 total reads

 319,448 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,851 total reads

 165,851 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top