Pagtalaga ni Pope Francis kay Archbishop Tonel, isang magandang regalo sa Archdiocese of Zamboanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,344 total views

Ikinagalak ng Archdiocese of Zamboanga ang pagtalaga ni Pope Francis kay Archbishop-elect Julius Tonel na ikapitong arsobispo ng arkidiyosesis.

Ayon kay Zamboanga Administrator Bishop Moises Cuevas ang pagbibigay ng punong pastol sa arkidiyosesis ay tanda ng pakikiisa at paggabay ng Diyos sa paglalakbay ng halos isang milyong katoliko sa lugar.

“A new shepherd for Zamboanga is a sign of God’s enduring presence, which envelops us with His compassion and tenderness, as His paternal solicitude, His incarnational “synodality” and walking with us as Christ did with His disciples on Emmaus,” pahayag ni Bishop Cuevas sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Cuevas na ito ay magandang regalo sa pamayanang kristiyano ng Zamboanga na sede vacante ng isang taon dahil sa pagpanaw ni Archbishop Romulo Dela Cruz noong December 2021.
“This announcement is truly an Easter gift for the Zamboangueño people, as we continue responding to the call of lively faith, and, in response, in carrying out with enthusiasm the mission of charity, dialogue, and peacemaking,” ani ng obispo.

April 25 nang hirangin ang 66 taong gulang na obispo bilang punong pastol ng Zamboanga makaraan ang 16 na taong paninilbihan sa Diocese of Ipil.

Si Archbishop elect Tonel ay ipinanganak sa Davao City noong August 31, 1956 at naordinahang pari ng Archdiocese of Davao noong April 12, 1980.

Hinimok ni Bishop Cuevas ang mga Zamboangueño na ipanalangin si Archbishop-elect Tonel habang naghahanda sa kanyang pag-upo bilang pinunong pastol ng arkidiyosesis.

Pinasalamatan din nito ang mamamayan sa suportang ipinagkaloob habang itilaga ni Pope Francis na tagapangasiwa sa arkidiyosesis mula nang maging sede vacante.

“Permit me to be grateful also for the support and solidarity of the Zamboangueño Church with whom we walked with loving faith and hope amidst trial, pandemic, and the challenges that continue molding the Church as a pilgrim people,” saad ni Bishop Cuevas.

Si Archbishop-elect Tonel ang ikalawang obispo na itinalagang arsobispo ngayong taon kasunod ni Archbishop-elect Victor Bendico na itinalaga sa Archdiocese of Capiz.

Dalangin ni Bishop Cuevas sa bagong arsobispo ang paggabay ng Nuestra Señora La Virgen del Pilar sa kanyang pamamahala at pagpapastol sa mga Zamboangueño.

“To her prayers and protection too I entrust Archbishop-Elect Tonel, that he may courageously take upon the paternal role of shepherd, teacher, and custodian of the Zamboangueño Church as her Archbishop “in spirit and in truth” dagdag ni Bishop Cuevas.

Sa kasalukuyan lima ang sede vacante sa bansa ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, Gumaca, Ipil, at ang Apostolic Vicariate of Calapan sa Oriental Mindoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,696 total views

 48,696 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,565 total views

 44,565 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,767 total views

 80,767 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,454 total views

 89,454 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,647 total views

 114,647 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top