Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtalaga ni Pope Francis ng Obispo sa Apostolic Vicariate of San Jose Mindoro,ikinalugod ng mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 2,726 total views

Ikinalugod ng mananampalataya ng Apostolic Vicariate of San Jose Mindoro ang pagtalaga ni Pope Francis sa ikatlong obispo ng bikaryato.

Sa panayam ng Radio Veritas sa kasalukuyang apostolic administrator ng bikaryato na si Ilagan Bishop David Willim Antonio tiwala itong malaki ang maitutulong ni Bishop-elect Fr. Pablito Tagura, SVD sa paglago ng simbahan sa lugar.

Sinabi ng obispo na ang malawak na karanasan ng pari ay mabisang gabay upang higit na maipalaganap ang kristiyanismo sa lugar na may halos 400, 000 libong katoliko.

“He [Bishop-elect Fr. Pablito Tagura, SVD] will bring with him his rich experience as formator of future missionary priests and brothers in shepherding and accompanying the clergy, religious and lay faithful in their journey toward becoming a truly synodal Church,” pahayag ni Bishop Antonio sa Radio Veritas.

December 17, kasabay ng ika – 34 na anibersaryo ng pagkapari ni Bishop-elect Tagura nang italaga ito ni Pope Francis bilang bagong pinunong pastol ng Bikaryato ng San Jose makalipas ang apat na taong sede vacante nang magretiro noong 2018 ang namayapang si Bishop Antonio Palang.

Si Bishop-elect Tagura ay ipinangak sa Abra noong January 15, 1988 at nag-aral ng Philosophy at Theology sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City.

May 31, 19888 nang mag-profess ng kanyang final vow sa SVD congregation at naordinahang pari December 17, 1988.
Sa mahigit tatlong dekadang pagkapari ay naitalaga sa iba’t ibang misyon si Bishop-elect Tagura sa Pilipinas at sa mga lugar sa Estados Unidos.

Sa kasalukuyan ito ay Rector at Dean of Studies ng Christ the King Mission Seminary sa Quezon City at kasapi rin sa Provincial Council ng Society of the Divine Word..

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

REAWAKENING

 5,470 total views

 5,470 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 13,452 total views

 13,452 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 22,053 total views

 22,053 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 30,532 total views

 30,532 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 42,413 total views

 42,413 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top