Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HOW DO YOU “SOLVE A PROBLEM”LIKE MARIA?

SHARE THE TRUTH

 651 total views

Homiliya para sa Ikaapat na Linggo ng Adbiyento, Ika-18 ng Disyembre 2022, Mat 1:18-24

May kasabihan, “Pag may problema, may solusyon.” May solusyon na sana si St. Joseph sa sitwasyon na kinakaharap niya. Dinesisyon na nga niya ito bago siya natulog. Pero nagbago ang desisyon niya kinabukasan. Bakit kaya? Ito ang pagnilayan natin.

Normal lang naman sa tao ang maghanap ng solusyon kapag problema ang tingin niya sa hinaharap niyang krisis. At syempre, sisikapin muna niyang intindihin ito nang mabuti. Ano ba ang puno at dulo nito?

Siguradong inulit-ulit ni Joseph sa isip niya ang tanong na ito. Sabi siguro niya sa sarili niya: “Kahit mahal ko siya, hindi ko naman siya pipilitin kung mayroon palang problema; kung meron pala siyang ibang mahal.” Ano pa nga ba ang pwedeng maging dahilan kung bakit buntis na siya ngayon gayong hindi pa sila nagsisiping? Pero alam niya na kapag inamin niya sa publiko na hindi kanya ang batang dinadala ni Maria, mapapahamak ito. Kaya sabi pa siguro niya sa sarili:

“Kahit masakit ang loob ko, hindi ko siya iiskandaluhin dahil mahal ko siya. Ibabalik ko na lang sa kanya ang kalayaan niya.”

Merong ganyang kanta, di ba? “If you love somebody, set them free.” Kaya ang solusyon sa isip niya ay ganito: “Gagawa ako ng paraan para kunwari diniborsyo ko na siya bago siya nabuntis, para hindi siya mapahamak. Sasabihan ko siya na malaya siyang pakasalan kung sino man ang lalaking iyon, na ama ng dinadala niyang bata. Dahil mahal ko siya, palalayain ko siya.”

Nilulutas niya ang sitwasyon bilang problema. Pero salamat sa bulong ng anghel sa kanyang panaginip, paggising niya, parang luminaw ang mga bagay-bagay. Na ito’y kalooban ng Diyos. Na ito’y paanyaya ng Diyos na humihingi sa kanya ng tugon. Isang imbitasyon na makiisa sa plano ng Diyos.

Ang tugon ni Jose sa paanyayang ito ang magpapabago nang lubos sa direksyon ng buong buhay niya. Hindi SULIRANIN ang tawag dito kundi HIWAGA. Hindi PROBLEMA kundi MISTERYO. Ano ba ang pagkakaiba ng dalawa?

May nabasa akong kuwento kamakailan tungkol sa isang awtor. Noong kabataan pa ang nasabing manunulat, panahon ng WWII, nag-volunteer daw siya sa Red Cross para tulungan ang mga pamilyang naghahanap sa kanilang nawawalang anak, asawa, o kapatid na sundalo. Mga pamilyang biglang nawalan ng contact sa sundalong kaanak nila habang nasa giyera ito. Trabaho niya na tulungan sila na malaman kung ano talaga ang nangyari: Tumakas ba sila at nag-AWOL? Nabihag ba sila at nabilanggo sa kampo ng kalaban bilang POW? O namatay ba sila sa pakikipaglaban at hindi na nakuha o nakilala ang bangkay?

Dahil kabataan pa siya at kulang sa karanasan, sa una daw, parehas lang ang turing niya sa bawat kaso: bilang problemang kailangang hanapan ng solusyon. Nag-iipon siya ng impormasyon tungkol sa bawat kaso, lahat ng datos na kailangan niya para malutas ang bawat kaso. Nagbago daw ang lahat nang isa-isa niyang makilala ang mga magulang, asawa, kapatid, kaibigan o mahal sa buhay ng mga nawawalang sundalo. Hindi na sila serial numbers lang sa files niya. Nagkaroon ng mukha ang bawat isang pangalan; narinig niya ang kuwentong buhay ng bawat sundalo.

Naging totoong tao sila sa kanya, may kakaibang personalidad, sitwasyon at kuwento ang bawat isa. Ito raw ang unang karanasan na nagpaunawa sa kanya sa pagkakaiba ng PROBLEMA sa MISTERYO. Ang pangalan ng manunulat na ito ay Gabriel Marcel; naging sikat na pangalan siya sa pilosopiya.

Ayon sa kanya, ang PROBLEMA ay isang sitwasyon na pilit nating tinitingnan na hiwalay sa ating sarili para mabigyan ito ng karampatang solusyon. Kung may mga kapareho nga naman ang problemang ito sa mga naunang mga problemang nabigyan na ng solusyon, mas madali na itong lutasin, batay sa mga naunang karanasan. May “templates” na, ika nga sa modernong linggwahe.

Pero hindi ganyan sa MISTERYO. Sa Tagalog MAHIWAGA ang tawag natin sa mga bagay na misteryoso. May kinalaman sa mga bagay na mahirap ipaliwanag, hindi naman dahil hindi talaga maintindihan kundi dahil malalim at masalimuot ang kahulugan, hindi nakukuha sa minsanang pagninilay. Hindi mo pwedeng tingnan na parang wala kang kinalaman dito o hiwalay ito sa sarili mo. At walang iisang paraan ng pagtingin sa mga bagay na mahiwaga. Humihingi ng tugon batay sa partikular na sitwasyon. Ang mga usapin ng hangarin o layunin sa buhay, o dahilan kung bakit tayo isinilang sa mundo ay hindi problemang kailangang lutasin kundi misteryong inuunawa nang unti-unti at tinutugunan ayon sa sitwasyon.

Magandang itanong—may solusyon na pala si Joseph sa problema—tahimik na diborsyo. Ba’t hindi niya ginawa agad? Kapag gumagawa tayo ng mga importanteng desisyon, sabi ng matatanda, importante ang huwag magpadalos-dalos. Bigyan ng panahon para lalong luminaw sa atin ang sitwasyon. Kung maaari, itulog muna.

Ganito na nga ang ginawa ni Joseph, itinulog muna—at paggising niya kinabukasan, mas luminaw ang mga bagay-bagay. “Things began to fall into place,” ika nga sa Ingles. Parang nahulog ang mga bagay sa tamang paglalagyan. (Kaya siguro ang salitang Ingles para sa MEANINGFUL ay maKAHULUGAN. Mayroong kinahuhulugan.)

Di ba may kanta sa pelikulang The Sound of Music na “How do you solve a problem like Maria?” Parang ganito ang pilit ginagawa ni Joseph sa una. Kapag hinaharap natin ang bawat sitwasyon ng krisis sa buhay bilang problema, malakas ang tendency na magpadalos-dalos, magkulang sa pakikinig at pagkilatis at umasa sa mga tipikal na solusyon na alam natin. May mga bagay na hindi lang sa isip inuunawa kundi sa loob, sa puso.

Karamihan sa mga taong problemado ay nasa panic mode. Kaya madalas kong irekomenda ang Prayer for Serenity sa mga kilala kong problemado. Sabi ng panalanging ito para sa kapanatagan ng loob:

“Panginoong Diyos, bigyan mo po ako ng kapanatagan ng loob na tanggapin ang mga bagay na di ko na mababago, gayundin ng lakas ng loob na baguhin ang pwede pang mabago, at ng karunungan upang malaman ang pagkakaiba ng dalawa.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 33,234 total views

 33,234 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 42,569 total views

 42,569 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 54,679 total views

 54,679 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 71,779 total views

 71,779 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 92,806 total views

 92,806 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 3,035 total views

 3,035 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng Abo. Kaya kuwaresma dahil kuwarenta. Pagkakataon ito para sa apatnapung araw mga pagsasanay na espiritwal. Sa unang araw pa lang, noong Miyerkoles ng Abo, tatlong spiritual exercises na agad ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 2,166 total views

 2,166 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang kapiling nila ang lalaking ikinakasal? Pagdating ng panahon na mawala sa piling nila ang ikinakasal, noon sila mag-aayuno.” Bakit kaya ikinukumpara ni Hesus ang pag-aayuno sa pagluluksa sa ating ebanghelyo?

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 2,007 total views

 2,007 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa nating ebanghelyo, linawin muna natin kung ano ang hindi niya sinasabi. Hindi niya sinasabi na masama ang gumawa ng kabutihan sa nakikita ng mga tao. Di ba siya nga mismo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 3,420 total views

 3,420 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of Starwars was playing in my mind. And in my coffee with Jesus early this morning, the face of my old Jesuit spiritual director, Fr. Hernando Maceda, flashed in my imagination,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 5,417 total views

 5,417 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating pagbasa ay ang linyang: “Kayo ay KAY KRISTO.” May gantimpala daw sa sinumang magmagandang-loob sa atin dahil tayo ay KAY KRISTO. Ibig sabihin, bilang alagad, ang buhay natin ay bahagi

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 2,657 total views

 2,657 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong makapagkuwento kung bakit ang Kapilyang ito ay ipinangalan sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan, na mas kilala bilang ang “Birhen ng EDSA” at ipinagdiriwang bilang paggunita sa araw mismo ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 3,982 total views

 3,982 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain the whole world and forfeit your life?” There is a word in English that describes a question like this: IRONY. You went after something that you thought was profitable, and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 4,180 total views

 4,180 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as human beings do.” This is what Jesus said to Peter. Another way of saying that is: “Your thinking is not in accordance with God’s will.” Let us relate this now

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

GULONG NG PALAD

 4,892 total views

 4,892 total views 16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon, Lucas 6:17, 20-26 (See English version below, after the Original Tagalog text.) Isa sa mga naunang telenobela series na ipinalabas sa telebisyon sa Pilipinas ay pinamagatang “Gulong ng Palad,” na sa Ingles ay “Wheel of Fortune.” Noong panahong iyon, mga bata pa lang sina

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

OPEN OUR HEARTS

 5,175 total views

 5,175 total views Homily for February 14, 2025, Mk 7:31-37 EPHPHATA! BE OPENED! This is the cry of Jesus that opened the closed mouth and ears of the deaf and mute man. It’s a beautiful metaphor for the work of evangelization. It also encapsulates our participation in the mission of our Lord Jesus Christ, the mission

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

POWER

 8,193 total views

 8,193 total views Homily for Tues of the 4th Wk in OT, 4 Feb 2025, Mk 5:21-43 The Gospel tells us Jesus felt power come out of him as soon as the woman with hemorrhage touched him and got healed. Let’s reflect today on POWER and what Mark is telling us about it in this double

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

SLOWLY BUT SURELY

 6,599 total views

 6,599 total views Homily for Friday of the 3rd Week in OT, 31 January 2025, Mk 4:26-34 There is a scene in the old movie on the life of St Francis entitled “Brother Sun, Sister Moon” where Francis starts rebuilding the ruined Church of San Damiano. The movie is a musical, so he is singing a

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 9,816 total views

 9,816 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural na proseso ng pag-alam ng likas na talino ng tao at pagsusumikap natin na matuto upang humantong sa pag-unawa. Tingnan ninyo, kahit ang Anak ng Diyos ay nagbigay-daan upang matuto

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 11,952 total views

 11,952 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about it being so hard to enter the kingdom of heaven. Until I realized that it would be easier to get the sense of what Jesus is saying by inverting the

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGKAMULAT

 9,478 total views

 9,478 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top