Pagtataas ng compensation ng mga manggagawang nahawaan ng COVID 19, suportado ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total reads

Sinuportahan ng opisyal ng CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP) ang pagtataas ng halaga ng Employees Compensation Commission (ECC) sa mga matatanggap na benepisyo ng mga manggagawang mahahawaan ng covid-19.

Nakasaad sa polisiya na mula sa naunang 480 pesos ay itataas ang ‘Sickness Benefit’ ng mga kwalipikadong manggagawa sa 600 pesos habang ang ‘Cash Assistance’ naman ay itataas sa hanggang 30-libong piso mula sa naunang sampung libong piso.

Ayon kay father Jerome Secillano, exe.sec. ng CBCP Permanent Committee On Public Affairs, malaking bagay ang pagsusulong ng hakbang dahil matutulungan nito hindi lamang ang mga manggagawa kungdi pati narin ang mga pamilyang umaasa sa kanila.

“Lahat ng tulong na maaaring gawin at ibigay sa mga manggagawa ay malaking bagay para malagpasan ng kanilang pamilya ang samut-saring problema na dulot ng pandemya,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Pari sa Radio Veritas.

Umaasa ang Pari na tiyakin ng pamahalaan na maayos na ipatutupad ang panuntunang may layuning umagapay sa mga manggagawa na nakaranas na ng maraming suliranin ng dahil sa covid-19 pandemic.

“Siguraduhin sana ng pamahalaan ang maayos na pagpapatupad ng mga stratehiyang naglalayong i-angat sa balon ng kahirapan ang ating mga kababayan,” ayon pa sa Pari

Sa kasalukuyan ay naisumite na ng ECC ang panukala sa Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ang kaniyang lagda at aprubadong desisyon na lamang ang hinihintay upang ganap na maipatupad ang panukala.

Pagpapabatid ni Father Secillano na tungkulin ng pamahalaan ang tulungan at iangat ang pamumuhay ng mga ordinaryong manggagawa sa lipunan at ipadama ang malasakit sa bawat mamamayan.

“Nawa ang lahat ng namumuno sa pamahalaan ay may malasakit sa taongbayan. Tungkulin nilang maglingkod at unahin sana nila ang kapakanan ng mga nasa laylayan ng lipunan kasama na ang ang mga ordinaryong empleyado at manggagawa,” pagbabahagi pa ng Pari.

Kaugnay nito ay humihingi namanc ng karagdagang pasensya ang ECC sa mga manggagawang nagpapasa ng requirements upang makamit ang mga benepisyo.

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 830 total reads

 830 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 7,889 total reads

 7,889 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 46,501 total reads

 46,501 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 64,708 total reads

 64,708 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 149,039 total reads

 149,039 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 185,997 total reads

 185,997 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 18,854 total reads

 18,854 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top