11,077 total views
Paiigtingin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) ang pagbubuklod ng mga layko bilang katuwang ng simbahan sa pagmimisyon at pagpapalaganap ng pananampalataya.
Ayon kay LAIKO President Xavier Padilla, isa sa mga pangunahing layunin ng grupo ang pagtatatag ng Diocesan Councils of the Laity (DCLs) sa bawat diyosesis sa buong bansa upang higit na mapagtibay ang presensiya at papel ng mga layko sa simbahan.
“The call to ‘expand our tent’ was heeded, as more National Lay Organizations were encouraged to join LAIKO and the push continued to finally establish Diocesan Councils of the Laity (DCLs) in all dioceses in the Philippines,” ayon kay Padilla.
Ikinatuwa rin ni Padilla ang patuloy na pakikiisa ng iba’t ibang National Lay Organizations (NLOs) sa adhikain ng SLP na palakasin ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.
Bilang bahagi ng kanilang mga inisyatibo, nagsasagawa ang SLP ng Regional Conferences sa lahat ng Ecclesiastical Provinces ng bansa upang muling pasiglahin ang mga layko at bigyang-diin ang kanilang mahalagang gampanin sa misyon ng simbahan.
“Regional Conferences were held in all Ecclesiastical Provinces of the Philippines to re-energize the Laity — to re-educate them on their role and equip them to re-evangelize through the ‘Live Christ, Share Christ’ mission,” dagdag pa ni Padilla.
Bukod dito, sisikapin ng SLP na higit pang mapalawak ang mga programa at pagsasanay para sa mga layko upang mapalalim ang kanilang pagkaunawa sa pananampalataya at sa tungkuling ibinahagi sa kanila ng simbahan.
Sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng makabagong teknolohiya, plano ring gamitin ng SLP ang digital platforms upang maabot ang mas maraming miyembro at mas mapalakas ang kanilang misyon.
“In response to the Social Media Age, the term of Xavier Padilla focused on strengthening LAIKO’s digital presence — from Facebook and YouTube to partnerships with members promoting causes to everyone,” aniya.
Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 50 National Lay Organizations (NLOs) na kasapi ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, bukod pa sa mga councils of the laity mula sa iba’t ibang ecclesiastical territories sa bansa.
Ang patuloy na paglawak ng LAIKO ay patunay ng masiglang pananampalataya ng mga layko at ng kanilang malasakit na maging tunay na katuwang ng simbahan sa paghubog ng mga Kristiyanong komunidad sa buong Pilipinas.