Pagtatag ng food bank sa bawat Diyosesis at Arkidiyosesis, suportado ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 864 total reads

Suportado ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) ang inisyatibong food bank sa bawat diyosesis bilang naaangkop na lugar sa pag-iimbak ng mga natatanggap na relief goods sa panahon ng sakuna.

Ayon kay LASAC Director Fr. Jayson Siapco, magandang layunin ito lalo na sa mga lugar na madalas na dinadaanan ng malalakas na bagyo taon-taon.

“Food bank is a welcome initiative. This is good to be initiated in dioceses,” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay na rin ito sa naiulat na mga nasira at nasayang na relief goods sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tuguegarao, Cagayan para sa mga biktima ng Typhoon Ulysses noong 2020.

Batay sa audit report ng Commission on Audit, umabot sa libo-libong in-kind donations ang hindi naipamahagi ng DSWD sa mga lubhang apektado ng Bagyong Ulysses hanggang sa ito ay masira na at hindi na tuluyang napakinabangan.

Sinabi naman ni Fr. Siapco na ilan sa mga paraan na ginagawa ng LASAC upang maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente ay ang mahigpit na pagtutok sa bawat dumadating na donasyon, na agad ding ipinapamahagi sa mga higit na nangangailangan.

“In Batangas, there is no information na may nasasayang na relief goods especially during and after calamities,” ayon kay Fr. Siapco.

Ang lalawigan ng Batangas ay madalas dinaraanan ng malalakas na bagyo taon-taon kaya kabilang sa mga programa ng Arkidiyosesis ng Lipa ang pangangalap ng mga donasyon upang maipamahagi sa mga pamilyang apektado ng mga sakuna.

Nauna nang iminungkahi ni Tuguegarao SAC Director Fr. Andy Semana sa pamahalaan ang paglikha ng food banks upang higit na matutukan ang mga natatanggap na relief goods at maiwasang masira ang mga ito.

Read: https://www.veritasph.net/pamahalaan-hinimok-na-magtatag-ng-food-bank-para-sa-mga-biktima-ng-kalamidad/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,467 total reads

 70,467 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,840 total reads

 105,840 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,140 total reads

 141,140 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,409 total reads

 367,409 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,885 total reads

 256,885 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,863 total reads

 154,863 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top