1,716 total views
Ipinag-utos ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang pagbuo ng inclusive lay ministries sa lahat ng parokya upang bigyang-puwang ang lahat ng kasapi, kabilang ang mga may kapansanan at may iba’t-ibang sexual orientation.
Sa circular na inilabas noong Oktubre 22, sinabi ni Bishop Varquez na bahagi ito ng synodal reform program ng diyosesis sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag.
Layunin ng reporma na palakasin ang katapatan, pananagutan, at pagkakaisa sa pamumuno ng Simbahan.
Inatasan din ng obispo ang lahat ng parokya na ipahayag sa misa at ipaskil sa bulletin board ang taunang financial report upang maging mas bukas ang ugnayan ng simbahan at mamamayan.
“All parishes must commit to regular financial reporting to the community. This practice will ensure that parishioners are informed about the financialhealth of the parish, doing so will foster trust and accountability,” ayon kay Bishop Varquez.
Kasama rin sa mga pagbabago ang pagtatatag ng mga lugar para sa counseling at spiritual direction upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga mananampalataya.
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng pamumuno ng mga pari, ipinag-utos ni Bishop Varquez na magkaroon sila ng regular na psycho-spiritual at theological formation.
“I require all priests to participate in all ongoing formation programs that will be designed by the Commission on Clergy which will include psycho-spiritual, psycho-emotional, and psycho-sexual formation; counseling and spiritual direction; homiletics; updates in theology, canon law, and liturgy; pastoral leadership and management; as well as other essential areas for the integral growth of our clergy,” ayon pa sa bahagi ng kautusan.
Muling bubuhayin ng diyosesis ang mga Basic Ecclesial Communities, magtatatag ng Lay Formation Institute, at magsasagawa ng Conversations in the Spirit upang palalimin ang diwa ng pakikinig, pagkakaisa, at pagtutulungan.
Magkakaroon din ng Diocesan Safeguarding Desk para sa proteksyon ng mga bata at mahihinang sektor, at palalakasin ang mga programang panlipunan para sa mahihirap.
“This demonstrates our commitment to protecting our community and promoting a safe environment,” bahagi pa ng circular.
Ang Diocese of Borongan ay itinatag bilang diyosesis noong 1960 at kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Varquez simula noong 2007, katuwang ang 79 na mga pari, sa pangangasiwa sa may 500,000 mananampalataya sa 34 na parokya.
Diocese of Borongan Post Link: https://www.facebook.com/share/p/1AjddhVoK8/