Pagtatalaga sa dambana ng San Felipe Neri, paanyaya ng mas malalim na pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,036 total reads

Ibinahagi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang pagtatalaga ng simbahan ay paanyaya sa bawat isa sa mas malalim na pananampalataya.

Ito ang pagninilay ng obispo sa ginanap na pagtalaga sa dambana ng San Felipe Neri Parish sa Taytay, Rizal nitong May 3.

Iginiit ni Bishop Santos na ang simbahan ay hindi lamang pisikal na estruktura kundi banal na tahanan ng Diyos na dapat igalang at pahalagahan.

Paalala ng obispo sa mga mananampalataya na ang tunay na pananampalataya ay nakasentro kay Hesus.

“Nararapat lamang na mayroong paggalang, pananalangin at pakikiisa… Nais ni Jesus na ang pagsamba ay galing sa puso at bukal sa kalooban. Upang tayo ay makalapit sa Diyos, si Jesus ang ating daan. Dahil dito, tumawag tayo kay Jesus. Tayo ay manalangin. Ang bahay ng Diyos ay bahay-dalanginan,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Santos.

Sinabi ni Bishop Santos na si Hesus ay nananahan sa bawat isa sapagkat ang puso ng tao ang templo ng Panginoon, kaya mahalagang isabuhay sa araw-araw ang kabanalan.

“Tayo rin ay Templo ng Diyos. Ang Diyos ay nararapat na buhay sa atin, nakikita sa ating mga salita at gawa,” giit ng obispo.

Sa panayam ng Radyo Veritas, ipinaliwanag naman ni Fr. Michael Jayson Abao ng Sons of Charity ang kasalukuyang kura paroko ng parokya ang kahalagahan ng pagtatalaga bilang hindi lamang para sa gusali kundi para sa buong sambayanan ng Diyos.

Ayon sa pari, ang simbahan ay tumutukoy sa pisikal na istruktura at sa komunidad ng mga mananampalataya.

“May dalawang klase ng simbahan, itong simbahang bato at yung simbahan na sambayanan ng Diyos. Wala itong simbahan na ito kung wala rin itong sambayanan ng Diyos,” pahayag ni Fr. Abao.

Hamon ni Fr. Abao sa nasasakupan ng San Felipe Neri Parish na panatilihin ang kabanalan at pagkakaisa matapos ang pagtatalaga ng dambana upang higit na tumibay bilang bayan ng Diyos.

“Kung banal ang simbahan na ito, ay ating i-inscribe na mas magiging banal pa ang mga mananampalataya nito. Nakasaalay sa atin yung simbahan na nagkakaisa na hindi lumayo sa kalooban ng Diyos,” giit ng pari.

Ang pagtalaga sa dambana ng parokya ay patunay sa mas pinaigting na pagmimisyon ng Sons of Charity sa lugar sa loob ng isang dekada at sa pagtiyak sa pagtugon sa pangangailangang pastoral at espirituwal ng lumalaking populasyon sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,891 total reads

 67,891 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,589 total reads

 146,589 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,036 total reads

 180,036 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,333 total reads

 215,333 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,071 total reads

 439,071 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top