Pagtugon sa krisis sa kalikasan, kahirapan at pamamahala, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,821 total reads

Pinangunahan ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang panawagan para sa mas malalim at sama-samang pagtugon sa krisis sa kalikasan, kahirapan, at pamamahala.

Ito ay sa pamamagitan ng tatlong araw na pagtitipon sa University of Santo Tomas mula January 14-16, 2026, kaugnay ng palulunsad sa Hayuma: Mending the Broken, na naglalayong pagdugtungin ang ekolohiya, ekonomiya, at karapatang pantao.

Ayon sa Caritas Philippines, ang hayuma—salitang Bisaya na tumutukoy sa kolektibong pag-aayos ng napunit na lambat ng mangingisda—ay sumasagisag sa paraan ng pagtugon ng Simbahan sa mga pamayanang paulit-ulit na naaapektuhan ng sakuna.

Binigyang-diin ng institusyon na ang mga kalamidad ay hindi hiwalay sa mas malalim na suliranin ng bansa.

“Disasters reveal not only broken houses and damaged livelihoods, but broken systems of protection, decision-making, and care. When governance fails, when economic life is fragile or unjust, and when the environment is treated as expendable, the net tears early and repeatedly, especially for the poor and themarginalized,” ayon sa Caritas Philippines.

Nakaugat ang Hayuma sa matagal nang paninindigan ng Simbahan sa integral ecology, mula sa Asilo Conference noong 2015 hanggang sa mga direktiba ng CBCP na humihikayat ng ecological conversion, divestment mula sa mapaminsalang industriya, at pagtataguyod ng zero-waste at renewable energy sa mga institusyon ng Simbahan.

Sa ilalim ng Laudato Si’ Convergence, katuwang ng Caritas Philippines ang 13 komisyon ng CBCP at iba’t ibang organisasyong panlipunan upang tiyaking ang mga diyosesis at komunidad ay hindi lamang tagatanggap ng tulong, kundi aktibong kalahok sa pagdedesisyon at pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit ng Caritas Philippines na hindi sapat ang agarang relief at rehabilitation kung hindi tutugunan ang ugat ng kahinaan ng mga komunidad.

“Hayuma calls us not only to recovery, but also to mitigation and prevention. To hayuma is to strengthen the net before it tears again. It means addressing the conditions that place communities at risk, including environmental degradation, economic systems that leave people behind, and governance that excludes communities from decisions affecting their lives,” giit ng institusyon .

Sinabi ng Caritas Philippines na ang ekonomiya ay dapat maglingkod sa buhay at dignidad ng tao, sapagkat hindi maaaring isakripisyo ang kalikasan at ang mahihirap sa ngalan ng paglago.

“The future is woven slowly, collectively, and responsibly, people, peace, livelihood, and the earth, thread by thread, together,” ayon sa Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 53,159 total reads

 53,159 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 157,748 total reads

 157,748 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 194,535 total reads

 194,535 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 225,111 total reads

 225,111 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 271,376 total reads

 271,376 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,275 total reads

 57,275 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top