Pagtuturo ng mabuting asal sa mga bata, malaking hamon sa mga magulang at guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,086 total reads

Malaking hamon sa mga magulang at mga guro ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga kabataan dahil sa epekto ng mga nakikita sa kapaligiran partikular na sa pag-uugali ng ilang lider ng bansa.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative Antonio Tinio, labis ang epekto sa mga kabataan ng pagmumura, pambabastos at kawalan ng paggalang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapwa na nakikita sa telebisyon.

“Malaking challenge po para sa magulang na nagpapalaki ng anak at para sa mga teachers sa kanilang mga estudyante dahil kung ang pangulo natin mismo na siyang dapat pangunahing role model sa mga kabataan ay nagpapakita ng masamang halimbawa.” pahayag ni Tinio sa Radio Veritas.

Sa kabila nito ay dapat mas pag-ibayuhin ang pagtuturo sa mga kabataan ng magandang pag-uugali tungo sa kapwa at sa bayan na pinahahalagahan ang karapatan ng bawat isa.
Ipinaliwanag ng mambabatas na panahon na upang magtampok ng ibang role model sa mga kabataan at mamamayan dahil marami pa rin ang mga Filipinong marangal at may paggalang sa kapwa na magsisilbing magandang halimbawa sa bayan.

Batay sa panukala ng Department of Education, iminumungkahi nito ang pagkakaroon ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) Class sa mahigit 27 -milyong mag-aaral sa bansa sa ilalim ng K – 12 program.

Layunin ng DepEd na matugunan ang pagbabago ng lipunan na nakakaapekto sa pag-uugali ng kabataan dulot ng makabagong teknolohiya at iba’t ibang kaganapan sa kapaligiran.

Sa mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa pagtitipon ng mga guro sa Italya, binigyang diin nito na bagamat nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa pagtuturo ng asignatura, mas mahalagang maibahagi sa mga kabataan ang pagmamahal, pag-uunawa at pagpapahalaga sa kapwa, mga mahalagang salik upang magkakasundo at magkaisa ang bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 147,258 total reads

 147,258 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 220,420 total reads

 220,420 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 253,868 total reads

 253,868 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 289,167 total reads

 289,167 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 509,966 total reads

 509,966 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top