Paigtingin ang pagbibigay ng mental awareness, dulot ng Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 423 total views

Mayroon tayong magagawa upang paglabanan ang kawalang katiyakan at depresyon na dulot ng pandemya.

Ito ang naging mensahe ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga taong nakararanas ng depresyon kasabay ng nararanasang krisis pangkalusugan.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Healthcare Vice-Chairman at Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, na ito ang pagkakataon upang lalo pa tayong magkaroon ng kamalayan sa kalusugang mental at mabigyang-pansin ang mga taong nakararanas ng problema sa buhay na dulot ng pandemya.

“This will increase the awareness, mental awareness natin na mayroon tayong magagawa. Because the pandemic na ito, coronavirus na ito, nagdulot po ng maraming challenges sa buhay natin. On the part of the family, on the part of workers, on the part of students, on the part of yung simpleng pamumuhay natin. Hindi lang po ito on the level of the persons but on the level also of communal and even international levels,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radyo Veritas.

Paliwanag pa ng Obispo na ito ay magbibigay ng panibagong kamalayan na hindi dahilan ang pandemya upang iwasan ang problema at tapusin na lamang ang sariling buhay.

Sa halip, payo nito na mas magandang tignan ng bawat isa, lalo na ang mga nakakaranas ng depresyon na manatili at mas patatagin pa ang pananampalataya sa Panginoon na ating tagapagligtas.

“I think there is a better perspective here to cling on the faith that we have,” dagdag ng Obispo.

Ngayong ika-10 ng Oktubre ay gugunitain ang World Mental Health Day upang mabigyang-pansin at magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa lumalalang bilang ng mga taong nakararanas ng depresyon na humahantong sa pagpapatiwakal.

Batay sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH), umabot sa 953 ang mga tawag na kanilang natanggap noong Marso hanggang Mayo, 2020; na ang monthly average calls na may kaugnayan sa suicide ay tumaas ng 45-tawag kada buwan sa huling tala noong ika-31 ng Mayo.

Ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng depression dahil sa epekto ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 100,434 total views

 100,434 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 130,658 total views

 130,658 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 157,306 total views

 157,306 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 252,279 total views

 252,279 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 266,776 total views

 266,776 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top