Pakinggan ang panaghoy ng mga mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Maglalaan ng panahon ang Arkidiyosesis ng Maynila para sa mga mahihirap na mananampalatayang nasasakupan.

Alinsunod ito sa panawagan ng Kaniyang Kabanalan Francisco na ipagdiwang ang World Day of the Poor bago ang kapiyestahan ng Krsitong Hari.

Ayon kay Rev. Fr. Enrico Martin Adoviso, ang namumuno sa Commission on Social Services and Development ng Arkidiyosesis, nakikiisa ang Simbahan sa panawagan ng Santo Papa na kalingain ang mga dukha sa lipunan.

Dahil dito, inaanyayahan ng pari ang mga mananampalataya at mga kapwa pastol ng simbahan na makiisa sa gaganaping pagtitipon sa ika – 17 ng Nobyembre sa UST Seminary Auditorium kung saan magkaroon ng pagtatanghal na nakasentro sa mga gawain ng Simbahan para sa mga dukha.

“Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga parishioners lalo na po ang mga kura paroko at doon po sa circular ng ating mahal na Cardinal ay sinasabi po na magdala tayo ng 3 mahihirap at pakinggan natin ang kanilang panaghoy,” pahayag ni Fr. Adoviso sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Pari ang kahalagahan ng pakikipagkaisa sa mga mahihirap tulad ng ginawa ni Hesus na tumutulong at minamahal ang mga dukha.

Tema ng ikalawang pagdiriwang ng World Day of the Poor ang “Listen to the Cry of the Poor” na base sa Philippine Statistics Auhtority ay katumbas ng 60 milyong indibidwal.

Umaasa si Father Adoviso na paglingkuran ng Simbahan at lahat ng sector ang mga dukha matapos mapakinggan ang kanilang mga hinaing.

“Yun pong ating theme panaghoy ng mga dukha at pagkatapos po na mapakinggan natin ang kanilang hinaing sana mapaglingkuran natin sila.” pahayag ni Father Adoviso.

Noong 2017 nang itinalaga ni Pope Francis ang ika-33 Linggo ng Karaniwang Panahon sa Kalendaryo ng Simbahan ang pagdiriwang ng World Day of the Poor bilang pagkilala at pagkalinga sa mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 67,532 total reads

 67,532 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 115,826 total reads

 115,826 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 163,698 total reads

 163,698 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 267,643 total reads

 267,643 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 350,551 total reads

 350,551 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top