Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaan, Hinamong maglaan ng pondo sa drug prevention hindi sa drug killings

SHARE THE TRUTH

 264 total views

Dapat maglaan ng sapat na pondo ang Pamahalaan upang ganap na mapigilan ang pagpasok sa mga pantalan ng illegal drugs mula sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Gilbert Billena, Spokesperson ng Rise Up for Life and for Rights, dapat mas paglaanan ng pondo ng pamahalaan ang tuluyang pagsawata sa pagpasok ng supply ng illegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pagtutok sa mga pantalan ng Bansa.

Iginiit ng Pari na dapat paglaanan ng pondo ang pagpigil sa paglaganap ng illegal na droga sa halip na paglaanan ng pondo ang mga kampanya tulad ng war on drugs.

“Gumastos din ang Gobyerno dapat ng milyong milyong pera, may milyon milyong pera para sa karahasan pero wala namang iba-budget para sa prevention para maipigilan ang pagpasok ng mga illegal na droga sa ating bayan. Malinaw naman yun sa mga balita kung saan galing itong mga Illegal na droga sa China.” pahayag ni Father Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang hinamon ng Rise Up for Life and for Rights ang pamahalaan na paghuli sa mga drug suppliers at pagharang sa pagpasok ng mga illegal ng droga sa bansa.

Bukod dito, iginiit din ng Pari ang dapat na pagpapanagot ng pamahalaan sa mga nasa likod ng pagpupuslit ng droga sa bansa.

Tinukoy ng Pari ang nasa likod ng nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng 6.4 na bilyong piso sa Valenzuela City na nakalusot sa Bureau of Customs.

Sa pagtataya ng mga Human Rights group nananatili sa 3 hanggang 5-indibidwal pa rin ang napapatay kada araw sa pinaigting na kampanya ng Pamahalaan sa illegal na droga.

Sinasabing umaabot na sa 23-libo ang kaso ng drug-related killings simula ng manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 13,355 total views

 13,355 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 26,097 total views

 26,097 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 46,021 total views

 46,021 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 51,872 total views

 51,872 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 59,274 total views

 59,274 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 3,176 total views

 3,176 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,992 total views

 3,992 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top