Pasalamatan ang panginoon sa pagkahirang kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,619 total views

Inaanyayahan ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston ang lahat na manalangin ng pagpapasalamat sa paggabay ng Banal na Espiritu sa mga cardinal electors na pumili sa ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Gaston na siya ring Correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican, mahalagang ipagpasalamat ang biyaya ng Panginoon sa buong Simbahan sa pamamagitan ng paggabay sa mga cardinal na pumili kay Cardinal Robert Francis Prevost, O.S.A. bilang bagong punong pastol ng Simbahan.

Nagpapasalamat rin ang Pari, sa pagbibigay ng Panginoon sa mga dating Santo Papa partikular na sa namayapang si Pope Francis na ganap na nagsilbing daluyan ng habag, awa, pagmamahal at presensya ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Ipinapanalangin naman ni Fr. Gaston ang aktibong pakikibahagi at pakikipagtulungan ng lahat sa bagong Santo Papang si Pope Leo XIV sa pamamagitan ng pakikiisa sa pananalangin, paggawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon.

“Panginoon naming Diyos, nagpapasalamat kami sa lahat ng mga biyaya at na ibinigay niyo sa amin, sa aming buhay at sa aming Simbahan lalong lalo na ang ating mga cardinal ang kanilang paghalal sa ating bagong Santo Padre si Pope Leo XIV. Nagpapasalamat kami sa lahat ng naibigay mo sa amin sa pamamagitan din ni Pope Francis at ang iba pang mga Santo Papa at nagpapasalamat kami ngayon palang sa lahat ng biyaya na ibibigay mo sa amin sa pamamagitan naman ni Pope Leo XIV, nawa’y kaming lahat din ay makisama sa kanya sa pagdasal at paggawa, sa pagdala ng iyong mensahe sa buong mundo.” Bahagi ng dalangin ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Umapela rin si Fr. Gaston na ipanalangin ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa bagong hirang na punong pastol ng Simbahan na magpapastol sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko sa buong daigdig.

Sa ikatlong pagkakataon ng pagpili ng mga cardinal electors sa ikalawang araw ng Papal Conclave ay nasilayan sa tuktok ng Sistine Chapel ang puting usok ganap na alas-sais otso ng gabi – ika-8 ng Mayo, 2025 sa Vatican na alas-dose otso ng hating gabi ng ika-9 ng Mayo, 2025 sa Pilipinas, na nangangahulugan na mayroon ng susunod na Santo Papa ang Simbahang Katolika.

Matapos ang tradisyonal na pag-aanunsyo sa Latin ng “Habemus Papam” na nangangahulugang ‘may Santo Papa na tayo’, ay lumabas sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica si Cardinal Robert Francis Prevost, O.S.A. na napiling gamitin ang Papal Name na ‘Pope Leo XIV (the 14th)’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 31,420 total views

 31,420 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 205,354 total views

 205,354 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 182,987 total views

 182,987 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 245,959 total views

 245,959 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 263,402 total views

 263,402 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top