Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamimintuho kay birheng Maria, mag-aalab sa Canonical conation sa imahe ng Immaculate Conception

SHARE THE TRUTH

 1,688 total views

Naniniwala ang opisyal ng Minor Basilica-Parish of the Immaculate Conception and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño ng Batangan na higit magpapalago sa debosyon sa Mahal na Ina ang canonical coronation sa imahe ng Immaculate Conception.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Basilica Rector at Parish Priest Fr. Angel Pastor, ibinahagi nitong magdudulot ng maalab na pamimintuho sa Mahal na Birheng Maria ang pagkilalang iginawad sa imahe.

“Isang magandang biyaya ito mula sa Panginoon through this [pontifical coronation] the devotion to the Blessed Mother will be strengthened at mas mapapalapit pa ang mga tao sa Diyos,” pahayag ni Fr. Pastor sa Radio Veritas.

December 8 kasabay ng dakilang kapistahan sa Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria ay pinutungan ng korona ang ‘La Batangueña’ sa ritong pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Tiwala ang nuncio kasabay ng pagputong ng korona sa Immaculada Conception ay matutulungan ang mga taong nakararanas ng pagkalumbay na madama ang makainang pagkalinga ng Birheng Maria.

“As we crown Mary today, so many people will come here to seek refuge under her mantle spiritually: to bring their sorrows, their needs, their desires close to Mary, close to her maternal Immaculate Heart and receive her protective shadow, her protective mantle covering over them.” ani Archbishop Brown.

Nagbuklod ang mamamayan ng Batangas sa pagbibigay parangal sa Mahal na Ina dahil ito rin ang patrona ng Batangas City.

Abril ng kasalukuyang taon nang matanggap ng Archdiocese of Lipa ang kalatas mula sa Congregation of Divine Worship and Discipline of the Sacraments na nagpapahintulot sa pontifical coronation sa imahe ng Inmaculada Concepcion de Batangan.

Ito ang ikalawang imahe na ginawaran ng canonical coronation sa lalawigan makalipas ang halos pitong dekada mula nang koronahan ang Nuestra Señora de Caysasay na nakadambana sa Taal at itinuring na patron ng arkidiyosesis.
Ito na rin ang ika – 52 Marian image na ginawaran ng pontifical coronation sa Pilipinas at ika – 22 imaheng kinoronahan sa ilalim ng pangangasiwa ni Pope Francis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,209 total views

 11,209 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,309 total views

 19,309 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,276 total views

 37,276 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,582 total views

 66,582 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,159 total views

 87,159 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,634 total views

 3,634 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,242 total views

 9,242 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,397 total views

 14,397 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top