Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation sa mining, tinututulan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,417 total views

Mariing tinututulan ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na mamuhunan sa industriya ng pagmimina.

Kaugnay ito sa paggamit ng mahigit $76-milyong pautang sa Makilala Mining Company Inc. para sa Maalinao-Caigutan-Biyog Copper-Gold Project sa Kalinga.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang hakbang na Maharlika Fund ay taliwas sa layuning pasiglahin ang ekonomiya, habang nalalagay naman sa panganib ang mga pamayanan at lumalabag sa prinsipyo ng responsableng pangangalaga sa kalikasan.

Nababahala si Bishop Bagaforo na mapupunta lamang sa maling paraan ang paggamit ng pondo ng publiko para pondohan ang industriyang nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran.

“This move by the Maharlika Fund betrays the Filipino people’s trust. Instead of supporting industries that promote development and sustainability, the government is channeling resources into extractive projects linked to displacement, deforestation, and human rights abuses,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Matagal nang tinututulan ng Caritas Philippines ang large-scale mining dahil sa mga negatibong epekto nito sa lipunan at kalikasan.

Maraming kaso na ang naitala ng simbahan tungkol sa pagkawala ng mga lupaing ninuno ng mga katutubo, kontaminadong pinagkukunan ng tubig, at mga pamayanang labis na naaapektuhan ng walang pananagutang operasyon ng mga minahan.

Panawagan ng Caritas Philippines sa pamahalaan na muling pag-isipan ang pamumuhunan sa pagmimina at unahin ang mga industriyang tunay na nakatutulong sa mga pamayanan nang hindi sinisira ang kalikasan.

“Economic development should not come at the cost of human dignity and environmental degradation. We remain committed to upholding the integrity of creation and defending those affected by mining,” giit ni Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 23,811 total views

 23,811 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 91,299 total views

 91,299 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 112,364 total views

 112,364 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 134,888 total views

 134,888 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 170,763 total views

 170,763 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top