Panalangin at tulong, hiling ng Pari sa komunidad ni San Agustin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,529 total reads

Pagtutulungan at panalangin ang kahilingan ng bagong Kura Paroko ng Immaculate Conception Parish and Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de la Consolacion Y Correa o San Agustin Church sa Intramuros Manila.

Ayon kay Fr. Reynante Balilo, OSA, mapagtatagumpayan nito ang bagong misyong paglingkuran ang parokya sa tulong ng mananampalataya na magiging katuwang sa pagpapalago ng komunidad ng San Agustin.

“Nawa ay patuloy po ninyo kaming ipagdasal na gabayan kami ng Diyos sa aming bagong misyon, ang misyon ni Kristo na ipinagkatiwala sa amin ng simbahan,” bahagi ng mensahe ni Fr. Balilo.

Batid din ng Agustinong pari ang mga karanasang matutuhan mula sa nasasakupang komunidad na higit magpapalago sa kanyang bokasyong maglingkod sa kawang ipinagkatiwala ng Panginoon.

Magiging katuwang ni Fr. Balilo sa pangangasiwa ng parokya si Fr. Edwin Hari, OSA bilang parochial vicar at Rector ng dambana.

Ayon sa pari, na sa pagtutulungan ay lalago ang parokya gayundin ang pananampalataya ng bawat nasasakupan.

“I ask you my dear brothers and sisters to continually teach me to fulfill the very purpose and reason for which I was ordained, like Jesus, I, too desire to serve and not to be served,” ani Fr. Balilo.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang rito ng pagtatalaga na sinaksihan ng daan-daang parishioners ng San Agustin Church at mga pari ng Order of St. Augustin – Province of the Most Holy Name of Jesus of the Philippines.

Taong 1500’s nang maitatag ang San Agustin Church na pinangangasiwaan ng mga Agustinong misyonero na nakaranas ng iba’t ibang hamon dulot ng sakuna, digmaan at iba pang kalamidad.

Ang simbahan ay kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang isa sa mga Baroque Churches sa bansa habang idineklarang National Cultural Treasures at National Historical Landmarks ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 109,506 total reads

 109,506 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 144,183 total reads

 144,183 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 167,191 total reads

 167,191 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 203,676 total reads

 203,676 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 215,045 total reads

 215,045 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top