Panalangin, hiling ng bagong Obispo ng Pagadian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,478 total reads

Humiling ng panalangin si Pagadian Bishop Ronald Anthony Timoner sa pagsisimula ng kanyang bagong misyon sa Simbahang Katolika—ang pangunguna at paglilingkod sa mahigit isang milyong mga Katoliko ng Zamboanga del Sur.

Binigyang-diin ni Bishop Timoner na mahalaga ang panalangin upang matutuhan at maisakatuparan ang mga gawaing pastoral, lalo na ang pagiging isang simbahang sinodal, kung saan ang mga pari, relihiyoso, at mga layko ay magkakasamang naglalakbay sa pananampalataya at misyon.

Nangako ang obispo ng pamumuno para sa spiritual renewal, missionary discipleship, at sa pagsasabuhay ng kanyang episcopal motto na Surge et Ambula (“Arise and Walk”).

“As I begin my ministry as bishop, please pray for me. To the priests, religious, and lay faithful of the Diocese of Pagadian, in the name of Jesus the Nazarene, arise and walk,” wika ni Bishop Timoner.

Aminado ang bagong obispo sa bigat ng responsibilidad bilang pastol ng isang kawan na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga, lalo na sa isang lugar na may mga tradisyon at kulturang naiiba sa Bicol region, kung saan isinilang at nagsilbi bilang pari sa loob ng 28 taon.

Inilarawan ni Bishop Timoner ang paglipat bilang parehong isang hamon at pagkakataon.

“I also thank the Lord for giving me the Diocese of Pagadian as a new place for ministry. I come as a learner,” aniya.

Inordinahan at niluklok si Bishop Timoner noong Agosto 13, kasabay ng kanyang ika-54 na kaarawan—sa Sto. Niño Cathedral sa Pagadian City. Pinangunahan ang banal na misa at ang mga ritwal ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, na nagsilbing apostolic administrator ng diyosesis sa panahon ng sede vacante.

Sina Lipa Archbishop Gilbert Garcera at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, parehong mga dating obispo ng Diyosesis ng Daet kung saan nagsilbi si Bishop Timoner, ay nagsilbing co-consecrators.

Ipinahayag ng bagong obispo ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nakasama niya sa kanyang paglalakbay bilang pari—lalo na ang mga formators sa seminaryo at ang kanyang pamilya na nagbigay ng gabay sa kanyang pananampalataya at bokasyon.

“I have been blessed with a family that nurtured and helped me grow in the different aspects of my life,” wika ng obispo.

Sa kanyang homily, ipinaalala ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga mananampalataya na ang pagiging obispo ay hindi tungkol sa pamumuno na nakabatay sa kapangyarihan, kundi isang huwaran ng buhay na nakaugat kay Kristo.

Dumalo sa seremonya ang humigit-kumulang 60 obispo at maraming mga pari mula sa iba’t ibang diyosesis.

Kabilang din sa mga dumalo ang nakatatandang kapatid ni Bishop Timoner, Fr. Gerard Francisco Timoner III, O.P., ang kauna-unahang Asyano na nagsilbing Master of the Order of Preachers (Dominikano).

Sa isang hiwalay na panayam sa Radyo Veritas, tiniyak ni Zamboanga del Sur Governor Divina Grace Yu ang buong suporta sa lokal na simbahan at ang kanyang kahandaang makipagtulungan sa diocese.

“I commit to support and collaborate with the Church in molding the Zambasurians and in improving the lives of our community. I hope we will have a fruitful collaboration with the local government of Zamboanga del Sur,” pahayag ni Gov. Yu.

Sa tulong ng panalangin, pagkakaisa, at sama-samang commitment, magsisimula na ang pamumuno ni Bishop Timoner bilang pastol ng Diyosesis ng Pagadian—nagdudulot ng pag-asa na patuloy na magsusulong ng pananampalataya sa kanilang komunidad.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,212 total reads

 4,212 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,340 total reads

 4,340 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 8,812 total reads

 8,812 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,216 total reads

 65,216 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,720 total reads

 188,720 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 273,782 total reads

 273,782 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top