Panatilihing malaya ang hudikatura

SHARE THE TRUTH

 164 total views

Mga Kapanalig, naghain noong nakaraang linggo ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa Kongreso ang organisasyong Filipino League of Advocates for Good Government kasama ang kanilang abogadong si Atty. Larry Gadon. Inendorso ang complaint ni Ilocos Norte Representative Angelo Marcos Barba, pinsan ni dating Senador Bongbong Marcos. Isinampa ito tatlong linggo matapos ibasura ng Korte Suprema, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (o PET), ang petisyon ni Marcos na mag-inhibit si Justice Leonen sa kaniyang election protest noong 2016.[1] May batayan nga kaya ang impeachment complaint na ito laban sa hukom?

Bago pa man inihain ang impeachment complaint, hiniling na rin ng kampo ni Ginoong Marcos ang pag-inhibit ni Justice Leonen. Matatandaang inihain ng natalong kandidato para sa pagkabise-presidente ang kaniyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo, at humingi siya ng recount o muling pagbibilang ng mga boto. Matapos ang recount ng PET noong Oktubre 2019, nakitang lumaki pa ng 15,000 boto ang lamang ng nanalong bise-presidente sa tatlong probinsya sa Mindanao. Ngunit matapos ang recount ay sinoportahan ng Office of the Solicitor General ang protesta ni Marcos at sinabing wala sa mandato ng PET at nasa Comelec ang kapangyarihang magsagawa ng special elections sa mga probinsyang nabanggit.[2]

Tatlong bagay ang sinasabing batayan ng pagsasampa ng impeachment complaint kay Justice Leonen. Una, hindi raw siya nakapaglabas ng hatol sa 37 kasong hawak niya sa nakaraang dalawang taon. Pangalawa, matagal raw ang pagresolba niya sa mga nakabinbing kaso bilang House of Representatives Electoral Tribunal. At pangatlo, hindi raw nagpapasa ang hukom ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN) noong siya ay propesor pa sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang hindi pagsusumite ng SALN rin ang naging akusasyon kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong may naghain ng impeachment complaint laban sa kanya. Tuluyang naalis sa pagiging punong mahistrado si Sereno matapos maghain ng quo warranto petition ni Solicitor General Calida.



Nagiging target na ng mga impeachment complaints ang mga kasapi ng Korte Suprema na nagpapahayag ng pagpuna sa mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon, gaya nina dating Chief Justice Sereno at kasalukuyang SC Justice Leonen. Matatandaang kapwa silang tutol sa pagpapalibing sa mga labî ng diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Sumalungat din sila sa mga nagsabing naaayon sa Saligang Batas ang pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima dahil sa kaugnayan niya diumano sa droga. Noong 2018, tumutol din sina Sereno at Justice Leonen sa pagpapatuloy ng martial law sa Mindanao. Ilan lamang ito sa mga isyung may dissenting opinion ang dalawang hukom.

Nakapagtataka ang paggamit na naman sa SALN upang tanggalin sa puwesto ang isang hukom na hindi dapat asahang laging sumasang-ayon sa kagustuhan ng ibang sangay ng pamahalaan. Ang layunin ng tatlong sangay ng ating pamahalaan—ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura—ay ang pagkakaroon ng checks and balances o ang pagbabantay nila sa isa’t isa upang wala sa kanilang umabuso sa kapangyarihan. Mahalaga ito sa isang demokratikong sistema ng pamamahala, na kinikilala naman sa ating mga Catholic social teaching dahil sa pagbibigay nito ng puwang sa pakikilahok ng mga mamamayan sa pamahalaan.[3]

Mga Kapanalig, ang mga hukom na kumikilala sa ating kasaysayan, sa patas na pagtingin ng batas, at sa halaga ng demokrasya ay mga hukom na mahalaga sa demokrasya. Mas kailangan natin sila kaysa sa mga pulitikong hindi tanggap ang kanilang pagkatalo sa isang malayang eleksyon. Sabi nga sa Mateo 7:16, “Makikilala ninyo [ang mga propeta] sa kanilang mga gawa.” Ganito rin sa ating mga hukom at pulitiko—ano ang sinasabi ng kanilang mga gawa sa kanilang pagkatao?

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 21,358 total views

 21,358 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 33,782 total views

 33,782 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 49,217 total views

 49,217 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 50,457 total views

 50,457 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 60,467 total views

 60,467 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 21,359 total views

 21,359 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 33,783 total views

 33,783 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 49,218 total views

 49,218 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 50,458 total views

 50,458 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 60,468 total views

 60,468 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 51,698 total views

 51,698 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 66,457 total views

 66,457 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 56,951 total views

 56,951 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 76,348 total views

 76,348 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 87,463 total views

 87,463 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 91,384 total views

 91,384 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 74,311 total views

 74,311 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 70,709 total views

 70,709 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 70,318 total views

 70,318 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 93,145 total views

 93,145 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top