Panawagang payagang makapasok sa Pilipinas ang ICC, pinuri ng FFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,678 total views

Pinuri ng Federation of Free Workers ang panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pamahalaan na payagang makapasok sa Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) upang imbestigahan ang patayang naganap sa War on Drugs ng administrasyon ng dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty.Sonny Matula – Pangulo ng FFW, ito ay upang mabigyang katarungan ang mga nasawi sa kampanya at mapatunayan ng dating pangulo na inosente ito sa malawakang Extra Judicial Killings (EJK).

“Pacta sunt servanda” (treaties must be observed in good faith) and as a good member of the family of nations, we humbly urge the government to rejoin the ICC. Hindi dapat mag-alangan o maduwag ang gobyerno at baliwalain ang ating mga internasyonal na pangako sa Rome Statute. Hindi lang ito, may UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) pa tayong gustong ipatupad laban sa Tsina sa West Phil Sea.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.

Positibo si Matula na maibibigay ang katarungan sa naiwang pamilya ng mga nasawi War on Drugs at makatanggap ng compensation.
Iginiit ni Matula na si Archbishop Villegas ay isang “respected voice and compassion.

“Archbishop Socrates Villegas, a respected voice of reason and compassion, made a significant statement this week, emphasizing the importance of allowing ICC investigators to enter the Philippines. He passionately urged for a thorough probe into allegations of human rights abuses associated with the government’s campaign against illegal drugs” ayon pa sa mensahe ni Matula.

Kaugnay sa suliranin ng EJK, muling kinundena ng Church – People Workers Solidarity ang patuloy na pagpaslang sa mga lider manggagawa, human rights advocates at environmentalist na tanging ipinaglalalaban ang katarungan panlipunan.

Sa datos ng FFW at mga labor group sa bansa, si Jude Thaddeus Fernandez ng Kilusang Mayo Uno CALABARZON ang ika-72 biktima ng pagpaslang sa mga labor leader at member simula ng maupo bilang punong ehekutibo si dating pangulong Duterte.

Ayon sa Commission on Human Rights, sa kanilang datos aabot sa 30-libo ang mga mamamayan na naging biktima ng War on Drugs higit na mas mataas kumpara sa datos ng pamahalaan na aabot lamang sa mahigit limang libo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 24,390 total views

 24,390 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 66,282 total views

 66,282 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 120,325 total views

 120,325 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 147,649 total views

 147,649 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 163,838 total views

 163,838 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 6,800 total views

 6,800 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top