Pangalagaan ang kalikasan, hamon ng Ecowaste sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,605 total reads

Hinimok ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections na bawasan ang labis na paglikha ng basura sa pangangampanya at isama ang pangangalaga sa kalikasan sa mga plataporma.

Ito ang panawagan ng grupo sa ginanap na “Kalikasan: Pangalagaan sa Halalan” sa harapan ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila, bago ang pagsisimula ng kampanya para sa mga senador at partylist groups ngayong February 11, at mga local positions sa March 28.

Karaniwan nang nagdudulot ng matinding suliranin sa kapaligiran ang panahon ng eleksyon dahil sa tambak na campaign materials at mataas na konsumo ng enerhiya.

Ayon kay EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Jove Benosa, hindi dapat gamitin ang pangangampanya bilang dahilan upang sirain ang kalikasan, sa halip, may pananagutan ang mga kandidato na pangalagaan ito.

“The desire of a person or group to get elected should not come at the cost of environmental degradation. We therefore appeal to all candidates and other electoral stakeholders to prevent and reduce garbage, and, particularly, to minimize pollution from plastic campaign materials and their toxic chemical additives,” pahayag ni Benosa.

Sa paglulunsad ng Committee on Environmentally Sustainable Elections noong February 7, ipinaalala ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang pagiging kandidato ay hindi lisensya upang sirain ang kalikasan o guluhin ang kapayapaan ng mga mamamayan.

Bilang suporta sa zero waste at toxic-free na lipunan, muling iginiit ng EcoWaste Coalition ang kahalagahan ng paggamit ng campaign materials na maaaring i-recycle at pagsusulong ng eco-friendly waste management upang maiwasan ang pagtatapon o pagsusunog ng campaign materials.

Alinsunod sa mga resolusyon ng COMELEC, pinahihintulutan lamang ang campaign materials na likha sa recyclable materials, habang ipinagbabawal naman ang single-use plastics, paputok, at styrofoam sa campaign events.

“We urge all candidates and their supporters to heed the COMELEC guidelines to make the midterm elections environmentally caring as much as possible,” ayon sa EcoWaste.

Noong 2022 National Elections, umabot sa 20 toneladang plastic campaign materials ang nakolekta araw-araw ng Metro Manila Development Authority.

Dahil dito, patuloy na nananawagan ang Simbahang Katolika na suportahan ang pagbabawal sa single-use plastic at isulong ang responsableng pagtatapon ng basura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 28,667 total reads

 28,667 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 63,497 total reads

 63,497 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 119,903 total reads

 119,903 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 242,008 total reads

 242,008 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,067 total reads

 177,067 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top