Pangalagaan ang sarili laban sa COVID-19, patuloy na panawagan ng Simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Patuloy na hinihikayat ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang panawagan ng Obispo upang mabawasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa, gayundin upang maiwasan ang pagkahawa laban sa mas mapanganib at mas nakakahawang Delta variant.

Tinukoy ni Bishop Ongtioco ang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at ang pag-iwas sa pagsasagawa ng mga pampublikong pagtitipon upang maiwasan ang COVID-19 transmission.

“Kaya sana po patuloy ang ating mga ino-observe na mga protocol at saka ‘yung advice ng gobyerno. Ano ‘yun? Itong paggamit ng facemask, faceshield, paghuhugas ng kamay and then ‘yung pag-iwas sa mga gathering na hindi naman kailangang-kailangan ngayong pandemya… ‘Yan ay pinanggagalingan ng pagkahawa,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ng Obispo na patuloy ang pagsunod ng Simbahan sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa pagsasagawa ng mga religious gatherings ngayong panahon ng pandemya.

Ipinagpapasalamat nito ang malaking tulong ng ‘digital technology’ sa pagsasagawa ng mga Banal na Misa sa pamamagitan ng online live streaming upang patuloy na maipalaganap at maibahagi sa mga mananampalataya ang mabuting balita ng Panginoon sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng pandemya.

“Hindi tayo nagkakaroon ng public gathering, ang ginagawa natin, salamat sa Diyos, may digital technology, may live streaming o online mass para maalagaan din ang pananampalataya ng mga tao at patuloy silang magkaroon ng pag-asa,” saad ni Bishop Ongtioco.

Samantala, hinihikayat naman ni Bishop Ongtioco ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 habang may pagkakataon upang maiwasan ang patuloy pang pagdami ng nahahawaan ng virus sa bansa.

Batay sa COVID-19 Tracker ng Reuters, umabot na sa mahigit 29 na milyon o 13.5-porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19.

Habang ayon naman sa tala ng Department of Health, nasa mahigit 123-libo ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso ng nahawaan ng virus sa bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,035 total reads

 14,035 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,116 total reads

 15,116 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,558 total reads

 30,558 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,935 total reads

 67,935 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,205 total reads

 99,205 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,504 total reads

 174,504 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,253 total reads

 267,253 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,220 total reads

 74,220 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top