Pangulo ng CBCP, hiniling sa mamamayan na ipagdasal ang mga Obispo at pinuno ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total reads

Hiniling ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga mananampalataya na ipagdasal ang mga Obispo ng Pilipinas sa kanilang mga gawain.

Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, mahalaga ang panalangin ng sambayanan upang mapuspos ng Banal na Espiritu ang kanilang mga pagtitipon at magabayan sa magiging desisyon.

“Let me take this opportunity to request for your prayers for us all Bishops of CBCP so that we will always be blessed by the Holy Spirit, guided by the Holy Spirit, strengthened by the Holy Spirit as we do the business and discussions of the CBCP,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Ito ay kaugnay sa taunang pagtitipon ng mga Obispo sa bansa upang talakayin ang iba’t-ibang programa at usapin na makatutulong sa pagpapalago ng pananampalataya sa mga Filipino.

Ibinahagi ng Arsobispo na sa ika-25 hanggang ika-28 ng Enero ay magpupulong ang mga Obispo sa kanilang ika-118 plenary assembly sa Pope Pius XII.

Umaasa si Archbishop Valles na maging matagumpay ang gawain at maibahagi sa mananampalataya ang mabubuting bunga ng pagpupulong.

VISITA AD LIMINA APOSTOLORUM
Hiniling din ni Archbishop Valles ang panalangin sa nakatakdang pagbisita ng mga Obispo ng Pilipinas sa kaniyang Kabanalan Francisco sa Mayo at Hunyo ngayong taon.

Ipinagdarasal ng Arsobispo na maging mabunga ang pakikipagkita ng mga Obispo sa Santo Papa kung saan mag-uulat ito sa Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika tungkol sa mga matagumpay na programa ng mga Diyosesis.

“We would like to request also to pray for the Ad Limina visit that will be doing, that we would have a safe trip to Rome to the Vatican and have a fruitful visit and audience with the Holy Father,” dagdag pa ng pangulo ng CBCP.

Hinati sa tatlong grupo ang mga Obispo sa Pilipinas kung saan ang unang grupo na binubuo ng mga taga Luzon ay nakatakda sa kalagitnaan ng Mayo, ang ikalawang grupo na mula Visayas ay sa mga huling bahagi ng Mayo at ang ikatlong grupo na mula Mindanao at Arkidiyosesis ng Lipa ay sa pinakahuling linggo ng Mayo hanggang ika – 7 ng Hunyo.

Batay sa tala sa mahigit 130 mga Obispo sa Pilipinas, 90 dito ang aktibo at nangangasiwa sa 86 na mga Diyosesis at Arkidiyosesis sa bansa.

PRAY FOR GOVERNMENT LEADERS
Hinimok din ng Pangulo ng CBCP ang mga Filipino na higit na ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at mga lingkod bayan upang gabayan ng Panginoon sa kanilang paglilingkod.

Ipinaliwanag ni Archbishop Valles na ang bunga ng mga panalangin para sa mga naglilingkod sa pamayanan ay makabubuti sa bawat mamamayan at umaasang pagharian at gabayan ng Banal na Espiritu sa kanilang paglilingkod.

“We include in our prayers those in government who are serving us that they will always be guided by the Spirit of the Lord that they would be touch by the Good News of Jesus so that in the end if we pray for our civic leaders, government leaders it will be for the good of all of us that they serve,” ani ni Archbishop Valles.

Unang inihayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na sa halip na batikusin ang kasalukuyang administrasyon, ipagdasal na lamang ito sa ikatatagumpay ng pamamahala sa bansa.

Tiniyak ng Simbahang Katolika na patuloy itong nagdadasal hindi lamang para kay Pangulong Duterte kundi maging sa lahat ng namumuno sa pamahalaan bilang pakikiisa sa pagpapaunlad ng ating bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 217,019 total reads

 217,019 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 251,692 total reads

 251,692 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 267,592 total reads

 267,592 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 304,082 total reads

 304,082 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 309,802 total reads

 309,802 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top