Pasay city jail, binisita ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,352 total reads

Binisita ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Pasay City Jail noong March 11 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Simbahan sa Taon ng Hubileyo.

Sa pagninilay sa banal na Misa, ibinahagi ni Cardinal Advincula ang mensahe ng pag-asa, pagbubukas ng puso, at pananalig sa Diyos.

Ikinuwento ng kardinal ang makahulugang pagbubukas ni Pope Francis ng Hubileyo ng Pag-asa sa isang bilangguan sa Roma—isang simbolo hindi lamang ng pagbubukas ng pinto kundi ng puso sa awa at pagmamalasakit.

“Makahulugan ang larawan ng pagbubukas ng pinto, ngunit higit na mahalaga ang kahulugan nito—ang pagbubukas ng ating mga puso. Bukas na puso. At ito ang nagbubuklod sa atin bilang magkakapatid. Hadlang sa pakikipagkapwa ang mga pusong sarado, ang pusong nagmamatigas. Kaya naman, ang biyaya ng hubileyo ay ang pagbubukas ng ating mga puso sa pag-asa—ang pag-asa sa awa ng Diyos na hindi tayo kailanman bibiguin,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula ang lumalaganap na kultura ng “wala akong pakialam,” kung saan inuuna ng tao ang pansariling interes habang naisasantabi ang malasakit sa kapwa at sa Diyos.

Pinaalala rin ng kardinal sa mga PDLs ang diwa ng panalanging itinuro ni Hesus—ang “Ama Namin,” na nagtuturo hindi lamang ng paggalang sa Diyos bilang Ama kundi ng pagturing sa kapwa bilang magkakapatid at ang kahalagahan ng malasakit sa isa’t isa.

“Kaya nga ang panalangin ay bukal ng pag-ibig. Dahil natuklasan natin na mahal tayo ng Diyos, dumadaloy ang pagmamahal na ito sa malasakit sa ating kapwa. Dahil tiyak tayo na sagot ng Diyos ang ating mga pangangailangan, kaya nating sambitin sa panalangin na tayo ang bahala sa kapwa natin,” ayon sa cardinal.

Hinimok naman ni Cardinal Advincula ang mga PDLs na huwag mawalan ng pag-asa, sapagkat habang may pag-asa, may makabuluhang buhay na nagmumula sa pagmamahal ng Diyos at ng kapwa.

Nakatuwang ng kardinal sa pagdalaw sa Pasay City Jail sina Our Lady of Sorrows Parish Parish Priest Fr. Cris Robert Cellan, SSP at attached priest, Fr. Edward Dantis, SSP.

Itinalaga ng Archdiocese of Manila ang Our Lady of Sorrows Parish sa Pasay City bilang Jubilee Church para sa PDLs at kanilang mga pamilya.

Bilang bahagi ng Taon ng Hubileyo, itinakda ang Jubilee of Prisoners sa December 14, 2025, upang bigyang pagkakataon ang mga nakapiit na magnilay at magbagong-buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 111,728 total reads

 111,728 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 249,659 total reads

 249,659 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 365,435 total reads

 365,435 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 481,395 total reads

 481,395 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,961 total reads

 243,961 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top