Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 67,848 total views

Kapanalig, nakaka-inspire ang pag-gamit ng France ng Seine River para sa opening ng 2024 Olympics. Marahil, marami sa atin ang naka-alala sa Ilog Pasig, at nangarap na isang araw, mabalik natin ang dating ganda nito at magamit din natin para sa mga importante at makasaysayang selebrasyon sa ating bayan.

Para mangyari ito kapanalig, kailangan natin tutukan ang revitalization ng Pasig River. Kailangan natin itong linisin, kasama ang mga tributaries o mga sanga nito. Kailangan muling mabuhay ang ilog, kapanalig, upang maging kapaki-pakinabang ulit ito. Malaking responsibilidad ito. Nitong nakaraang Mayo, nireport ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na umabot ng 1,603.53 tonelada ng mixed solid waste at water hyacinth ang nakuha nila sa ilog mula January hanggang Mayo ngayong taon.

Mahirap man aminin, pero kapanalig, madumi at naghihingalo ang Pasig River. May mga pag-aaral na nagsasabi na ito ay isa sa mga pinaka-polluted na ilog sa buong mundo, at isa ito sa mga source ng mga plastic waste na napupunta sa ating mga karagatan. Kaya’t welcome change, kapanalig, na ngayon, may Executive Order No. 35 na nagbubuo ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development, na pinangungunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng Metropolitan Manila Development Authority.  Ang council na ito, na binubuo ng 15 government agencies, ay naglalayong ma-improve ang water quality, ibalik ang marine life, and ayusin muli ang baybayin ng Pasig River, pati mga sanga nito at mga pamayanan sa tabi nito. Kapanalig, nais nating magtagumpay ang council na ito, matapos na ilang grupo na ang naglayong ayusin ang Ilog Pasig. Marami ang na ang sumubok, ngunit wala pang tunay na nagtagumpay.

Dapat na maibalik ang dating ganda at linis ng Pasig River. Isang malaking kahihiyan at pagkakamali ang iwanang naghihingalo at marumi ito, lalo pa’t ito ay nasa sentro ng NCR. Nagiging simbolo ito ng ating kapabayaan bilang isang bayan. Kahit ano pang yaman ang ating makamtam, kung ang likas yaman na nasa bakod nating lahat ay masangsang at napapabayaan, hindi pa rin tayo tunay na matagumpay o mayaman. Sabi sa Populorum Progressio: Ang Bibliya, mula sa unang pahina, ay nagtuturo sa atin na ang buong sangnilikha ay para sa sangkatauhan. Pananagutan nating lahat na paunlarin ito sa pamamagitan ng matalinong pagsisikap. Sana ngayon, sa bagong council na ito at ng kanilang matalinong pagsisikap, mabuhay ulit ang Ilog Pasig at maging masigla at maunlad ang mga pamayanan sa baybayin nito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 14,987 total views

 14,987 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 32,084 total views

 32,084 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 46,316 total views

 46,316 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 62,278 total views

 62,278 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 80,777 total views

 80,777 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 14,992 total views

 14,992 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 32,089 total views

 32,089 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 46,321 total views

 46,321 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 62,283 total views

 62,283 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 80,782 total views

 80,782 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

POOR GETTING POORER

 118,887 total views

 118,887 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

LUCKY 15

 122,120 total views

 122,120 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Sumbong sa pangulo

 125,940 total views

 125,940 total views Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol

Read More »

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 130,343 total views

 130,343 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »
Scroll to Top