Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 349 total views

Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.

Pasko na naman.
Yan palaging sambit ng karamihan
minsan hindi maintindihan
palaging inaabangan
pero kapag nariyan na
parang tinatabangan
inaayawan
maski kinaiinisan.
Kapag natutuwa, nakangiti mga labi
sabay sabi, "(Yehey!) Pasko na namann!!!"
Pero kung nagagalit, mata'y nanglilisik:
"Pasko na naman!?!"
Kapag nagtataka, nagugulat,
mabilis pagbigkas, sa dulo umiigkas
"Pasko na naman???"
At kung walang pakialam, 
malamlam mukha, halos ibulong
"Pasko na naman."
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.
Iisang pangungusap
nababago dating
kung saan ang diin
kung bigkasin
batay sa damdamin
nababago ibig sabihin
ngunit kahulagan
at aral nananatili pa rin.
Hindi maililihim
sa likod ng mga katagang
"na naman"
nararamdaman
panghihinayang, pagsisi
tila mayroong gustong aminin;
ang iba naman pilit walang kibit
dahil sa sakit at pait na sinapit
kunwa'y walang pakialam
Pasko kinakalimutan.
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.
Pasko ay higit pa sa petsa
pera, damit at mga regalo
magarbong pagsasalo-salo;
Pasko ay pagparito sa mundo
ng Diyos na nagkatawang-tao
pangalan ay Jesu-Kristo
upang iligtas tayo
mahango sa pagkakasala.
Mababago pagbigkas
pagbati ng "Maligayang Pasko"
ngunit kahulugan mananatili
magpakailanman
ang pag-ibig na walang hanggan
ng Diyos na atin unang nagmahal
gumawa ng paraan
kaya sumilang sa sabsaban
sa ilalim ng malaking kadiliman
Kanyang Anak upang tayo samahan, damayan!
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,643 total views

 73,643 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,638 total views

 105,638 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,430 total views

 150,430 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,377 total views

 173,377 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,775 total views

 188,775 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 850 total views

 850 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,904 total views

 11,904 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Blessedness of mourning

 10,344 total views

 10,344 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 01 November 2025 Saturday, Solemnity of All Saints Revelation 7:2-4, 9-24 ><]]]’> 1 John 3:1-3

Read More »

The Love of Christ

 6,078 total views

 6,078 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 30 October 2025 Thursday in the Thirtieth Week of Ordinary Time, Year I Romans 8:31-39

Read More »

Household of God

 15,888 total views

 15,888 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 28 October 2025 Tuesday, Feast of St. Simon & St. Jude, Apostles Ephesians 2:19-22 ><))))*>

Read More »

Pride of Place

 16,627 total views

 16,627 total views Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul, 26 October 2025 Thirtieth Sunday in Ordinary Time, Cycle C Sirach 35:12-14, 16-18 ><}}}}*> 2

Read More »

Befriending my inner self

 15,812 total views

 15,812 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 24 October 2025 Friday in Twenty-Ninth Week of Ordinary Time, Year I Romans 7:18-25 <*((((><

Read More »

When Jesus is “stressed”

 16,416 total views

 16,416 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 23 October 2025 Thursday in Twenty-Ninth Week of Ordinary Time, Year I Romans 16:19-23 <‘[[[[><

Read More »

Slaves of righteousness

 18,796 total views

 18,796 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 22 October 2025 Wednesday, Memorial of St. John Paul II, Pope Romans 6:12-18 <*{{{{>< +

Read More »

Awaiting in overflowing grace

 18,796 total views

 18,796 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 21 October 2025 Tuesday, Feast of St. Pedro Calungsod, Martyr Romans 5:12, 15, 17-19, 20-21

Read More »

Stunned

 18,866 total views

 18,866 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 20 October 2025 Monday in the Twenty-Ninth Week of Ordinary Time, Year I Romans 4:20-25

Read More »
Scroll to Top