Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na pagsusulong ng kapayapaan ng Mindanao, tiniyak ni Cardinal Quevedo

SHARE THE TRUTH

 213 total views

Tiniyak ni Cotabato Archbishop-Emeritus Orlando Cardinal Quevedo ang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Arkidiyosesis na ngayon ay nasa pamumuno na ni Archbishop-elect Angelito Lampon.

Ayon kay Cardinal Quevedo partikular na dito ang pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindano.

“I’m preaching my continuing support for the peace process between the Government and Bangsamoro in Cotabato and continue my work in Interreligious dialouge in Cotabato as well as other parts in Mindanao,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Quevedo sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Arsobispo ay kasunod ng anunsyo ng Vatican noong ika-6 ng Nobyembre na pagtanggap ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa pagbibitiw ni Cardinal Quevedo bilang pinunong pastol ng Arkidiyosesis ng Cotabato.

Paliwanag ni Cardinal Quevedo na mananatili itong Cardinal ng Cotabato maging sa ibang mga lugar at nakahandang tumulong sa nangangailangan ng tulong tulad ng pagbibigay ng mga seminar.

“I remain as Cardinal, and if called upon and if my time is available I will surely say yes in any request for assistance. I will be available as Cardinal but no longer as Archbishop of Cotabato,” dagdag ng Arsobispo.

Taong 2014 nang isinumite ng Arsobispo ang kaniyang resignation letter sa Vatican matapos maabot ang Canonical Retirement age na 75-taong gulang ngunit sa halip na tanggapin ng Santo Papa, itinalaga pa ito bilang Cardinal kaya’t napalawig ang pananatiling Arsobispo ng Cotabato.

Si Cardinal Quevedo ang ikawalong Cardinal sa Pilipinas, at ang kauna-unahang Cardinal sa Mindanao.

Sa 20 taong paninilbihan Cotabato napanatili ni Cardinal Quevedo ang katatagan ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

Ang Arkidiyosesis ng Cotabato ay binubuo ng 87 mga paring Religious at Diocesan habang higit 100 mga madre na katuwang sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan sa Mindanao.

Archbishop-elect Lampon

Ikinatuwa naman ni Cardinal Quevedo ang pagkakatalaga kay Jolo, Sulu Bishop Angelito Lampon bilang kahaliling Arsobispo dahil bukod sa tubong Cotabato ang Obispo, kilala rin itong nagsusulong at nagtataguyod ng kapayapaan sa mga komunidad lalo na sa bahagi ng Mindanao.

“I believe that the Holy Father has made a very good choice in selecting Archbishop-elect Angelito Lampon to be the new leader of the Archdiocese,” ani ni Cardinal Quevedo.

Read: ‘This is my Journey of Faith’- Cotabato Archbishop-elect Lampon

Taong 2011 hanggang 2017 nang pamunuan ni Bishop Lampon ang Commission on Interreligious Dialogue ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na sa kasalukuyan ay pinamunuan naman ang Commission on Ecumenical Affairs.

Nakatakda ang pormal na pagtatalaga kay Bishop Lampon bilang Arsobispo ng Cotabato sa ika-31 ng Enero 2019 pagkatapos ng CBCP Plenary Assembly.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,551 total views

 9,551 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,032 total views

 17,032 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,172 total views

 30,172 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,145 total views

 36,145 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,899 total views

 41,899 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

No to divorce prayer rally, isasagawa ng Archdiocese of Cebu

 851 total views

 851 total views Walang maidudulot na mabuti sa mga mag-asawa at pamilya ang pagsasabatas ng diborsyo sa bansa. Iginiit ni Dilaab Foundation founding chairman Fr. Carmelo Diola na hindi diborsyo ang tugon para mabigyang solusyon ang kinakaharap na suliranin ng mga mag-asawa. Inihayag ni Fr.Diola na wastong programa para mapagtibay ang maayos na pagsasama ng magkatipan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Matagumpay na Paris Olympics, ipinagdarasal ni Pope Francis

 901 total views

 901 total views Ipananalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco na maging matagumpay ang Paris Olympic Games at Paralympic Games na magsisimula sa susunod na linggo. Sa mensahe ng santo papa binigyang diin nitong ang nasabing palaro ay naging daan upang pagbuklurin ang mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at tradisyong kinagisnan. “Sport also has a great

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 6,296 total views

 6,296 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 6,369 total views

 6,369 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 9,438 total views

 9,438 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 9,446 total views

 9,446 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 9,967 total views

 9,967 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 9,982 total views

 9,982 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 11,004 total views

 11,004 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 11,144 total views

 11,144 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 11,151 total views

 11,151 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 11,454 total views

 11,454 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 13,827 total views

 13,827 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 13,805 total views

 13,805 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 14,414 total views

 14,414 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top