Patuloy na pagwasak sa Homonhon island, ikinababahala ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,528 total reads

Labis na ikinabahala ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang patuloy na operasyon ng pagmimina sa makasaysayang Homonhon Island sa Guian, Eastern Samar.

Ayon kay Bishop Varquez, ang pananatili ng mga mining company sa isla ang tuluyang pipinsala hindi lamang sa mga likas na yaman, kun’di maging sa kaligtasan ng mga apektadong pamayanan.

“We are very much disturbed by the escalated mining operations in our beloved historical island of Homonhon… Their immediate and negative effects on the communities and the natural environment are very alarming,” pahayag ni Bishop Varquez.

Higit 500-taon na ang nakakalipas nang maging bahagi ang Homonhon Island sa makasaysayang pagdating ng Kristyanismo sa Pilipinas makaraang dumaong ang grupo ni Ferdinand Magellan sa isla noong Marso 16, 1521.

Panawagan naman ni Bishop Varquez sa mga kinauukulan na pag-aralang mabuti ang mga proyekto ng pag-unlad at tiyaking hindi ito mag-iiwan ng malaking pinsala sa kalikasan at buhay ng mga tao.

Iginiit ng Obispo na dapat higit na isaalang-alang ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng nakararami bago pahintulutan ang mga malalaking proyekto.
“We call on our government leaders and concerned agencies to take action on this matter,” ayon sa Obispo.

Naunang kinondena ni Borongan Social Action Director Fr. James Abella sa panayam ng Radio Veritas ang pagmimina sa Homonhon na nakakaapekto na sa hanapbuhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa kasalukuyan, ang TechIron Resources, Inc., Emir Mineral Resources Corp., King Resources Mining Corp., at Global Min-met Resources, Inc. ang apat na mining company na nagsasagawa ng operasyon sa Homonhon Island.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,839 total reads

 13,839 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,966 total reads

 13,966 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,067 total reads

 25,067 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,473 total reads

 81,473 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 204,974 total reads

 204,974 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,103 total reads

 289,103 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,527 total reads

 175,527 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top