Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na panawagan para sa katarungan

SHARE THE TRUTH

 47,027 total views

Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte. 

Kuwento ng misis ni Luis, labinlimang pulis daw ang pumunta sa kanilang bahay. Nagulat na lamang sila nang biglang pumanhik sa kanilang bahay ang mga pulis na may mahahabang baril upang maghalughog. Naiwan sa itaas ng bahay sina Luis at Gabriel, at puwersahang pinababa ang ibang miyembro ng pamilya. 

Hindi kumbinsido ang hukom sa salaysay ng mga pulis na sinalubong sila ng mga bala nang dumating sila sa bahay ng mga Bonifacio. Hindi raw makatuwiran ang paliwanag ng mga pulis na dinidepensahan lamang nila ang kanilang sarili dahil sila mismo ang sumugod. Hindi rin daw tamang basta-basta na lang nagpapaputok ng baril ang mga pulis. Maituturing daw itong pagsasawalambahala sa mga inosenteng puwedeng madamay. 

Bagamat maituturing na tagumpay ang pagbababa ng hatol, dismayado pa rin ang pamilya Bonifacio at mga grupong katuwang nila sa pagkamit ng hustisya. Ipinetisyon ng pamilya sa Korte Suprema ang unang resolusyon ng Ombudsman na gawing apat lamang ang akusado sa kaso. Nais sana ng pamilyang mapanagot ang lahat ng pulis na sumugod sa kanila. Sa kasamaang palad, lumabas ang resulta ng petisyon noong Oktubre at hindi sila kinatigan ng Korte Suprema. Hindi rin ikinatuwa ng mga grupong tumutulong sa pamilya ang pagpapababa ng kaso sa homicide mula sa murder. Ayon sa Karapatan, isang human rights group, pang-apat pa lamang ito na nahatulan sa libu-libong kaso ng pagpatay sa war on drugs. 

Sa kabila nito, para kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patunay daw itong gumagana ang sistemang pangkatarungan sa bansa. Iginiit tuloy ng dating abogado ni dating Pangulong Duterte na si Atty. Salvador Panelo, hindi na raw kailangan pang makialam ng International Criminal Court dito. Pinuri din ni Secretary Remulla ang prosecutors ng DOJ sa pagsigurong mahahatulan ang mga pulis. Kinontra naman ito ng National Union of People’s Lawyers (o NUPL). Ang NUPL daw ang nangalap ng mga ebidensya, nagpresenta ng mga testigo, at nagpahukay sa labi ng mga biktima para ipa-re-autopsy. Wala raw silang tulong na natanggap mula sa mga pulis o prosecutors. Sa katunayan, tumestigo pa raw ang prosecutor ng gobyerno para sa mga akusado. Kaya naman, para sa Seceretary-General ng NUPL-NCR na si Atty. Kristina Conti, ang hatol na ito ay “exception more than the rule” at hindi raw maituturing na patunay ng gumaganang sistemang pangkatarungan sa bansa. 

Binibigyang-diin ng Catholic social teaching na Justicia in Mundo ang mahalagang papel ng Simbahan—kasama ang bawat mananampalataya—sa pagtatagyugod ng katarungan sa mundo. Bahagi ng tungkulin natin bilang mga tagasunod ni Hesus na manawagan at isulong ang katarungan dahil kaakibat ito ng pagdadala ng Mabuting Balita. Dapat nating protektahan ang dignidad ng buhay, kundenahin ang walang habas na pagyurak dito, at papanagutin ang sinumang lalapastangan dito. 

Kaya naman, maituturing na malaking hamon para sa atin ang pagpapanagot sa lahat ng may sala sa nagpapatuloy na war on drugs. Libu-libong buhay at dignidad ng tao ang isinantabi rito at hanggang ngayon, marami sa kanila ang patuloy na nananawagan para sa katarungan.

Mga Kapanalig, pinaaalala sa atin sa Mga Awit 33:4, “ang nais ng Diyos ay katwira’t katarungan.” Sundan natin ang nais ng Diyos. Maaari natin itong umpisahan sa pagtatanong kung tunay nga bang gumagana ang sistemang pagkatarungan sa bansa. Huwag tayong mapagod na magtanong, dumamay sa mga biktima ng kawalan ng katwiran sa ating bansa, at manawagan ng katarungan para sa kanila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,320 total views

 9,320 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,801 total views

 16,801 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 29,941 total views

 29,941 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 35,914 total views

 35,914 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,668 total views

 41,668 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,321 total views

 9,321 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,802 total views

 16,802 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 29,942 total views

 29,942 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 35,915 total views

 35,915 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 41,669 total views

 41,669 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,744 total views

 40,744 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,828 total views

 41,828 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,209 total views

 37,209 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,213 total views

 49,213 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,255 total views

 57,255 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,812 total views

 48,812 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,237 total views

 47,237 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,023 total views

 49,023 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,948 total views

 45,948 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,262 total views

 60,262 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top