PBBM, hinimok na bigyan ng go signal ang ICC investigation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,778 total reads

Hinikayat ng Makabayan solon ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hayaang magsagawa ng imbestigasyon ang international criminal court sa drug war killing sa bansa gayundin ang pagiging kaanib ng pandaigdigang hukuman.

Ayon kay House Deputy Minority leader ACT Teachers partylist Representative France Castro, isa rin itong hakbang upang maenggganyo ang mga ‘investor’ sa Pilipinas.

“I along with other Makabayan bloc members urge the Marcos adminisration to change its mind on the probe and rejoin ICC, as this will also bolster President Marcos Jr’s bid to convince investors to come here.” ayon pa sa mambabatas.

Inihayag ni Castro na ang pagmamatigas ng pamahalaan sa ICC ay tila nangangahulugan na may pinagtatakpan ang gobyerno.

Iginiit ni Castro na dapat tingnan ng admnistrasyon na ang ICC investigation ay hindi pakikialam kundi ay makakatulong sa pagkukulang at kakulangan ng justice system sa bansa.

Unang pinuri ni Castro ang pagpayag ng ICC na muling buksan ang kaso kaugnay sa drug war na nagsimula noong 2016 sa ilalim ng dating administrasyong Duterte.

Nanindigan ang mambabatas na mahalagang matukoy at maparusahan ang mga responsable sa karahasan at mga pagpaslang upang makamit ng mga biktima ang matagal nang inaasam na katarungan.

Una na ring nagpahayag ng pakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa pagbubukas ng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpaslang upang mapanagot ang mga nagkasala.

Sa tala ng iba’t ibang human rights group, hindi bababa sa 20-libo katao ang naitalang napatay na may kaugnayan sa war against drugs ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 37,077 total reads

 37,077 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 74,827 total reads

 74,827 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 110,125 total reads

 110,125 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 336,395 total reads

 336,395 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 227,476 total reads

 227,476 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 9,524 total reads

 9,524 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top