Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 538 total views

Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Araneta Coliseum

We have already reflected on some key points which are present in the reading but allow me to give the final point.

Before that we welcome in our midst the Bishop of Cubao, we are in his jurisdiction, Bishop Nes Ongtioco. Salamat Apong Nes, you always welcome us, next time ikaw naman ang magho-homily.

We see in the first two readings for today the images used by the writers, St Luke in the First reading, and St. Paul
in the Second reading.

Images of the Holy Spirit as the bringer of communion, tongues of fire, the ability to speak in different languages, leading to communion, understanding. Then in the Second Reading, one body, different gifts. And all the barriers between Jews or Greeks, slaves or free persons, are torn down. And though there are many gifts, the gifts, when used in a spiritual way, meaning for the common good, they will not disrupt the unity of the Body. And before going to my last point, I realized that there are many religious communities here, even seminarians. What we have shared so far in our day, our conversion to the Holy Spirit so that we would become men and women of communion, and our communities being signs of communion with the Holy Spirit, where the different gifts are elevated to the service of the common good, we hope that the religious communities would also live out. And also, the parish priests and their collaborators. Sana po sa mga parishes, hindi magkakanya-kanya.

Sasabihin, “I am for the parish priest!” I am for the assistant!” “I am for the sacristan!” At pati sa religious communities. “I am for the general!” I am for the provincial!” I am, of course, for the treasurer! One body.

Now, I just want to draw attention to one more gift of the Holy Spirit, the gift of the Risen Lord, a gift which brings communion, and which really requires the action of the Holy Spirit. And it is forgiveness. There will not be any communion or oneness in the Body if there is no forgiveness. The Risen Lord appears to the disciples who were locked up in one room because of fear, but Jesus the Risen One was able to enter the room and said, “Peace be with you.” He could have returned as the victorious one, with revenge and recrimination. If I were the Risen Lord, I would really seek out: “Nasaan ba ‘yang mga mokong na iyan? Iniwanan ako, humanda kayo!

Buti na lang hindi ako si Risen Lord. And then he says, “Peace be with you.” And he associates them to himself. ”
As the Father has sent me, so I send you.” Instead of saying, “I don’t trust you anymore. I sent you and you never came back. In fact you ran away from me. You left me alone.” But no. “I want you to be closely united with me.
As I have received the mission from the Father, so you will also receive the mission from me.” Then, knowing that they could not do this by themselves, he breathed on them and said, “Receive the Holy Spirit. Whose sins you forgive are forgiven them.” But before they were sent out as missioners of forgiveness, Jesus made sure that they first experienced forgiveness from him. Pinatawad niya sila, ibinalik ang nasirang ugnayan. At ngayon, sinusugo sila para maging daan ng pagpapatawad, reconciliation, restoration of communion, where relationships had ended up in separation or division. Forgiveness. Whew. Napakahirap. Kaya nga kailangan ng Espiritu Santo.

Kapag meron kayong kakilalang nahihirapang magpatawad, gawin niyo yung ginawa ni Hesus: Hingahan ninyo. “Receive the Hoyl Spirit.” Kasi talaga naman, kung wala ang Espiritu Santo, hindi makakapatawad. But what do we learn? And this one, I pick up not only from my own reflections but from the experience of peoples and the experience shared with us by spiritual people, spiritual writers. Some tips how the Holy Spirit works. First, to be able to forgive, I must see, in the person who has offended me, myself, my common humanity. Kasi minsan judgmental tayo, pero kapag nakita ko sila na ako rin naman nakakasakit din ako ng iba. Kung ang taong ito nakaya akong saktan, ilan ba rin yung nasaktan ko? The moment I realize that, then we are not enemies. Pareho pala kami, common humanity. Kaya hindi ako nagagalit doon sa mga natutulog na estudyante kasi marami rin akong tinulugan na teacher. I see them, I see myself in them, then I am calm. Basta pumasa sila, wala na akong magagawa kapag hindi sila nag-aral. Pero ‘yung matulog lang sila? I can forgive that, because I see myself. I realize, pati sa Misa.
‘Yung mga natutulog during homilies? I trust that the Spirit talks to them in their dreams (laughter and applause).

Pareho naman kami, so iyung mga hindi makapagpatawad, tingnan ninyo, baka makita ninyo ‘yung nakasakit sa inyo, kapareho rin ‘niyo pala. That’s one grace of hearing confessions. When you hear confessions, you realize I am not better than them. Pareho lang pala kami. The second is, you don’t give up on persons. You always say, “Nagkamali man ito, this person’s story is not finished. This person could still find the path to new life.”
Kapag naniniwala tayong ganyan, kaya pa natin magpatawad. And third, we should genuinely seek for peace.
If I don’t want peace, I will not forgive. Kung gusto mo naman talaga walang tigil na warfare, ay talagang walang forgiveness. I must sincerely long for peace. Pero may ikaapat na kondisyon. Sana iyong nakasakit, magkaroon din ng humility to admit one’s fault. Here, justice enters. Lalo na kung ‘yung nakasakit ay mayroong poder. Kasi po,
in our society, our respect for authority sometimes gives us the impression that the authority is always right, and the authority can justify his or her action. O, mga magulang dito, di ba, okay you have authority over your children,
but it doesn’t make you always right. Ayaw umamin, possessing authority does not guarantee that I am correct all the time. Kaya ang hirap na hirap humingi ng tawad, usually, ‘yung galing sa authority. Kasi sasabihin nila, bakit?
Tama ako, may authority ako.

Kapag ganyan, napakahirap magkaroon ng forgiveness. So bilateral yan, harinawa, harinawa, sana mangyari sa mga families, parishes, communities, nations, and international relations. Palagay ko ang daming mahihilom,
at maraming bridges na nasira na ang mare-reconstruct when true forgiveness happens. But it is a gift of the Risen Lord. On this last day of Easter, the Easter season, we ask the Risen Lord, “Hingahan mo kami nang hingahan.”
At hingahan mo po ang mga tao na sugat-sugatan. To forgive means to set free. You set free teh person who has hurt you, but you set yourself free from the prison of revenge and anger. And may those who have hurt others, especially those in authority, release themselves from pride, and admit we have done wrong. May the Holy Spirit lead us to have communion. Let us pause and ask for the grace to be able to ask for pardon and also to forgive those who have sinned against us.

Nasaan ang pangakong maginhawang buhay, katanungan ng inter-religious groups kay PBBM

 3,058 total views

Nanawagan ang mga lider ng iba’t ibang pananampalataya sa pamahalaan na tugunan ang patuloy na kahirapan, korapsyon, at kawalan ng pananagutan habang naghahanda ang bansa sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Sa nagkakaisang pahayag para sa SONA ng Sambayanan 2026, sinabi ng Inter-religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) na dapat suriin ang kalagayan ng bansa batay sa tunay na karanasan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap na patuloy na humaharap sa mataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa oportunidad.

Binigyang-diin ng grupo na bagama’t idineklara ang Pilipinas bilang upper middle income country, nananatili pa rin ang malaking bilang ng mga pamilyang nagsasabing sila ay mahirap.

Marami ring manggagawa ang nakararanas ng mababang sahod, kawalan ng seguridad sa trabaho, at paglabag sa karapatan sa paggawa.

“Nasaan na ang pangakong maginhawang buhay, ang Bagong Pilipinas para sa bawat Pilipino? Upper middle income country na raw tayo, pero sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, 52% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila’y mahirap,” pahayag ng grupo.

Ayon sa religious leaders na pinangungunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng IRLCNT, at Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, nananatiling malaking hamon ang kalagayan ng mga magsasaka, lumalaking utang ng bansa, at kakulangan sa batayang serbisyo.

Iginiit din ng grupo na kailangang tugunan ang patuloy na banta sa mga pamayanan at kalikasan dulot ng ilang malalaking proyekto, lalo na ang mga nakaaapekto sa mga pamayanan at mga lupaing ninuno.

“Higit sa pagpapalit ng tao, kailangan ang makabuluhang pagbabago sa sistemang panlipunan. Kabilang sa aming panawagan ay ang nakabubuhay na sahod at sapat na kita, mababang buwis at presyo ng mga bilihin, de-kalidad na edukasyon, libreng serbisyong pangkalusugan, at murang pabahay,” ayon sa pahayag.

Nanawagan din ang IRLCNT at White Ribbon Movement na papanagutin ang lahat ng sangkot sa mga alegasyon ng korapsyon, kabilang ang kontrobersiya sa flood control projects.

Iginiit ng grupo na dapat mabawi ang mga pondong nawala sa kaban ng bayan at ilaan sa mga serbisyong kailangan ng mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, pabahay, at proteksyong panlipunan.

“Kasuhan at parusahan ang lahat ng korap at abusado sa gobyerno. Bawiin ang nakaw na yaman at unahin sa pambansang badyet ang kapakanan ng mamamayan,” dagdag ng grupo.

Bilang paghahanda sa SONA ng Sambayanan 2026, hinimok ng mga lider ng iba’t ibang pananampalataya ang publiko na makiisa sa panawagan para sa mas malalim na repormang panlipunan, kabilang ang pagpapatibay ng Anti-Dynasty Law, pagbabago sa sistema ng halalan, at pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng mamamayan higit sa interes ng iilang makapangyarihang grupo.

Pagbabagong loob at synodality, misyon ng PCNE XII

 4,647 total views

Iginiit ni Naval Bishop Rex Ramirez na ang tunay na layunin ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) ay hindi lamang ang pagtalakay sa temang Sangkay o pagkakaibigan, kundi ang pagsasabuhay ng pagbabagong nakabatay sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

Sa kanyang keynote address sa pagbubukas ng PCNE XII sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion, binigyang-diin ng obispo na ang pagkakaibigan ay nagsisilbing daan upang maisakatuparan ang panawagan ng Simbahan para sa patuloy na pagbabagong-loob at synodality.

“We are not gathered here simply because of the word ‘Sangkay.’ We are here because of conversion. More specifically, because of relational conversion,” ayon kay Bishop Ramirez.

Paliwanag ng obispo na ang synodality ay hindi lamang isang programa o istruktura ng Simbahan kundi isang espirituwal na paglalakbay ng patuloy na pagbabagong-loob na nagsisimula sa tunay na pakikipag-ugnayan kay Hesus.

Kinilala ni Bishop Ramirez ang hangarin ng PCNE na nagbibigay-diin sa konsepto ng pagkakaibigan bilang susi sa misyon ng ebanghelisasyon.

“I truly believe that the distinctive contribution of this 12th Philippine Conference on the New Evangelization is precisely this emphasis on the word ‘friend’ as the key to understanding relational conversion. After all, is not the New Evangelization fundamentally an invitation for each of us to renew our friendship with Jesus—and with one another?” ani ng obispo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang unang hakbang sa tunay na pagbabago ay ang pagpapanibago ng pakikipagkaibigan kay Kristo.

“The first conversion, I would suggest, is conversion to friendship with Christ. After all, friendship with Him is a vocation,” giit ni Bishop Ramirez.

Ipinaliwanag ni Bishop Ramirez na ang pagkakaibigan kay Kristo ang pundasyon ng lahat ng relasyon sa loob ng Simbahan at ng misyong ipahayag ang Mabuting Balita.

Binanggit din ng obispo ang katuruan ni Pope Leo XIV na nagsasabing ang tunay na pagkakaibigan ay nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.

Ayon sa obispo, ito rin ang diwa ng isang Simbahang sinodal, kung saan kinikilala ang pantay na dignidad ng lahat ng bininyagan, anuman ang kanilang tungkulin o katayuan sa buhay.

Hamon ni Bishop Ramirez sa mga pinuno ng Simbahan na yakapin ang isang pamamaraang nakabatay sa pakikipagkapwa-tao kaysa sa pagpapairal ng kapangyarihan.

“The Church is, of course, hierarchical. Can you imagine your boss becoming your friend? That requires conversion… Friendship places people on the same level. Jesus Himself did precisely that,” giit ng obispo.

Aniya, ipinamalas mismo ni Hesus ang ganitong uri ng pamumuno nang tawagin Niya ang Kanyang mga alagad na mga kaibigan at ibinaba ang Kanyang sarili upang makasama at makihalubilo sa kanila.

Iginiit din ng obispo na ang ebanghelisasyon ay hindi lamang paghahatid ng kaalaman kundi pagbubuo ng tunay na ugnayan sa pamayanan.

“Preaching the Gospel is never simply communicating information; it is an act of friendship,” ayon pa sa obispo.

Kasabay nito, hinimok ni Bishop Ramirez ang mga mananampalataya na suriin din ang kanilang pag-unawa sa pagkakaibigan sapagkat maging ito ay nangangailangan ng pagbabagong-loob.

Hinamon ng obispo ang libu-libong delegado ng PCNE XII na isabuhay ang kanilang mga matutuhan sa pagtitipon.

“This is already the 12th Philippine Conference on the New Evangelization. Every year we gather. Every year we listen. Every year we learn. But the real question is: What are we going to do after this conference?… Don’t postpone action. Live it,” hamon ni Bishop Ramirez.

Binigyang-diin pa ni Bishop Ramirez na ang paglalakbay ng bawat Kristiyano ay hindi dapat isagawa nang nag-iisa kundi sa pakikipagkaibigan at pakikipaglakbay sa kapwa.

“The Christian journey is never meant to be walked alone. We need companions who encourage us, strengthen us, correct us, and accompany us. That is also the vision of a synodal Church—a Church that journeys together,” aniya.

Ginanap ang PCNE 12 sa University of Santo Tomas sa temang “Sangkay: Called to Be Friends in Christ”, na layong palalimin ang diwa ng pagkakaibigan bilang daan tungo sa pagbabagong-loob, sa misyon, at sa pagbuo ng isang higit na sinodal na Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Tutulan ang mining exploration sa Giporlos at Balangiga, panawagan ng Diocese of Borongan sa lokal na pamahalaan

 6,871 total views

Nanawagan ang Diocese of Borongan sa mga lokal na pamahalaan ng Giporlos at Balangiga sa Eastern Samar na magpasa ng mga resolusyong tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina kasunod ng pag-apruba ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa isang exploration permit sa dalawang bayan.

Sa pastoral position statement ng Borongan Diocesan Commission on Social Action–Justice and Peace (DCSA-JP), na inendorso ng Samar Island Partnership for Peace and Development (SIPPAD), sinabi ng diyosesis na bagama’t para lamang sa mineral exploration ang ipinagkaloob na permit na sumasaklaw sa humigit-kumulang 902.99 ektarya sa Giporlos at Balangiga, maaari itong maging unang hakbang tungo sa aktuwal na pagmimina.

“While the permit authorizes mineral exploration—not commercial mining—it marks the beginning of a process that may lead to mineral extraction. This makes it both timely and necessary for our communities and local government units to discern and express their position,” ayon sa Borongan DSCA-JP.

Binigyang-diin ng diyosesis na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang moral na pananagutan at hindi dapat maisantabi ang kapakanan ng tao at ng mga susunod na henerasyon kapalit ng mga pangakong pang-ekonomiya.

Ayon pa sa pahayag, paulit-ulit nang napatunayan sa Samar ang mga panganib na kaakibat ng pagmimina batay sa karanasan ng mga pamayanan sa Bagacay, Homonhon Island, Manicani Island, at iba pang lugar na naapektuhan ng pagmimina at mineral exploration.

Kabilang sa mga posibleng epekto nito ang pagkasira ng kagubatan at watershed, kontaminasyon ng mga ilog at karagatan, pagkawala ng sakahan at pangisdaan, pagtaas ng panganib ng pagbaha, pagguho ng lupa, gayundin ang pagkakaroon ng hidwaan sa mga komunidad.

“Learning from the experiences of Bagacay, Homonhon, and Manicani, we believe that protecting our environment today is an act of justice for present and future generations,” ayon sa diyosesis.

Binigyang-diin ng Diocese of Borongan ang mahalaga ang pangangalaga sa likas na yaman ng Eastern Samar bilang panangga laban sa kalamidad at mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Dahil dito, hinimok ng diyosesis ang mga Sangguniang Bayan ng Giporlos at Balangiga, gayundin ang mga barangay, na magpasa ng mga resolusyong tututol sa pagmimina upang mapangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Nanawagan din ang simbahan sa iba’t ibang sektor na magkaisa sa pagsusulong ng kaunlarang kumikilala sa dignidad ng tao, pangangalaga sa sangnilikha, at kabutihang panlahat.

“The Diocese of Borongan remains steadfast in promoting peace, justice, and responsible stewardship of our common home,” saad ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 14,352 total views

 14,352 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 42,643 total views

 42,643 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 88,573 total views

 88,573 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 121,655 total views

 121,655 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 149,029 total views

 149,029 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top