Pinoy sa UAE, inaanyayahang dumalo sa Simbang Gabi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,615 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng St Joseph Cathedral sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ang mga Pilipino na makikiisa sa tradisyunal na Simbang Gabi.
Ayon kay Franciscan Capuchin Fr. Troadio delos Santos tema ngayong taon ang “Liwanag ng Pasko gabay sa sama-samang paglalakbay” na hango sa Synod on Synodality ng simbahan.

Sinabi ni Fr. delos Santos na bukod sa mga makukulay na palamuti, masasayang ngiti at malamig na simoy na hangin ay higit pagtutuunan ang Banal na Eukaristiya sa pagsalubong kay Hesus.

“Kaya naman ang Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ay malugod na nag-aanya para sa ating Simbang Gabi 2023 sa St. Joseph’s Cathedral Abu Dhabi ngayong December 15 hanggang December 23.” pahayag ni Fr. delos Santos.

Isasagawa ang misa tuwing alas otso ng gabi sa St. Joseph Cathedral kung saan ito rin ay matutunghayan sa official Facebook page ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi (KPAD).

Ayon kay KPAD Director Rommel Pangilinan nananabik na ang mga kapwa Overseas Filipino Workers sa nalalapit na Simbang Gabi hindi lamang sa UAE kundi maging sa mga karatig lugar sa Middle East.

Tiniyak ni Pangilinan sa mga kapwa OFW na hindi makadadalo ng pisikal sa misa na gagamitin ang teknolohiya upang ihatid ang Simbang Gabi masses sa bawat tahanan.

“Bilang regalo ko sa mga kapwa ko OFW na malayo sa mga simbahan sa UAE at hindi sila makapag simba. Naka live stream pa din ang aming Simbang Gabi upang mga kababayan namin nasa mga malalayong lugar dito sa UAE ay somehow makasama din namin gayon din ang mga homebound.” pahayag ni Pangilinan.

Kamakailan lamang ay nagsagawa ng serye ng mga pagninilay ang mga katoliko sa Abu Dhabi sa pangunguna nina Fr. Hans Magdurulang at Fr. Dave Concepcion.
Sa halos isang milyong katoliko sa Muslim countries mayorya ito ay mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 81,010 total reads

 81,010 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 159,082 total reads

 159,082 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 192,530 total reads

 192,530 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,826 total reads

 227,826 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 451,141 total reads

 451,141 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top