Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 78,791 total views

Kapanalig, pagdating sa plastic wastes, sikat ang Pilipinas.

Maraming pag-aaral ang nagsasabi na tayo ay isa sa mga nangungunang plastic polluter sa buong mundo, at ang plastic waste natin ay pangunahing taga-pollute ng mga karagatan. Mahirap itanggi ito kapanalig, lalo pa’t umaabot sa 2.7 milyong tonelada ang plastic waste natin kada taon.

Ang laki ng volume ng plastic waste sa ating bansa, at hindi makahabol ang ating pagre recycle. Marami man sa ating mga LGUs ang may Waste Materials Recovery Facility, hindi naman lahat ng tahanan o pamayanan ay nagpa-praktis ng waste segregration. Hindi din lahat ng mga LGUs at barangay ay may aktibong programa para sa recycling, kaya’t sa household o community level, hindi naisasagawa ang recycling sa maraming pamayanan. Mahirap din minsan habulin ang basura, lalo pa’t sa hanay naman ng mga mamamayan, sanay na sanay ang mga consumers sa mga tingi-tingi na produktong nakabalot sa plastic. Ito ang mabili dahil ito ay mura.

Maliban pa dito, kahit may batas na naglalayong managot ang mga negosyo o kumpanya sa  mga plastic packaging na kanilang nililikha, tila kaunti pa lamang ang tunay na may programa para sa plastic waste recovery.

Nakakalungkot na hanggang ngayon ay kulang o bitin pa rin ang aksyon natin tungkol sa plastic waste. Maliban sa kahihiyan, kapanalig, na isa tayo sa pangunahing plastic polluters, tandaan natin na ang plastic pollution ay banta sa ating kalusugan at kalikasan.

Ang plastic na ating ginagamit ay hindi nabubulok. Nababali lang sila ng nababali at lumiliit ng lumiliit at nagiging microplastic. Ang mga ito ay nakakain ng mga hayop pati ng tao. Pumapasok ito sa ating katawan. Ayon sa UNEP, nakita na ang mga microplastics sa mga baga ng tao, atay, sa spleen, pati sa kidneys. May pag-aaral pa nga na nakita ang microplastic sa placenta ng mga mga bagong panganak na sanggol.

Urgent, kapanalig, ang isyu ng plastic waste. Kailangan natin itong harapin ng agaran, kailangan natin harapin ng maayos. Mula sa household level hanggang national level, kailangan may systematic practice ng waste management upang tunay na mabawasan ang plastic waste sa ating bansa.

Kapanalig, tandaan natin na ayon nga sa Caritas In Veritate: The environment is God’s gift to everyone, and in our use of it we have a responsibility towards the poor, towards future generations and towards humanity as a whole.  Ang patuloy na pagdami ng ating plastic waste ay sumisira sa ating kalikasan, sa ating buhay, at sa buhay ng mga susunod na henerasyon. Huwag sana nating sirain ang kinabukasan nating lahat dahil lamang sa plastic.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 61,222 total views

 61,222 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 73,762 total views

 73,762 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 96,144 total views

 96,144 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 115,817 total views

 115,817 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 10,936 total views

 10,936 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

PORK BARREL

 61,223 total views

 61,223 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 73,763 total views

 73,763 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 96,145 total views

 96,145 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 115,818 total views

 115,818 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 165,826 total views

 165,826 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 166,047 total views

 166,047 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »

Family drama sa pulitika

 179,791 total views

 179,791 total views Mga Kapanalig, ilang dekada nang itinutulak ng marami ang isang batas na magbabawal sa pagtakbo sa pulitika ng mga magkakamag-anak. Tama na raw

Read More »

Labanan ang violence against women

 188,558 total views

 188,558 total views Mga Kapanalig, ngayon ay ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (o VAW). Sa Pilipinas, simula ang araw na ito

Read More »

Klima sa usapin ng kalusugan

 211,853 total views

 211,853 total views Mga Kapanalig, “normal” na sa ating bansa ang mas mainit na panahon at mas malakas na mga bagyo. Dala rin ng mga ito

Read More »
Scroll to Top