PNP Chaplains, inatasang maging “moral compass” ng mga pulis.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total reads

Hinimok ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga miyembro ng Philippine National Police Chaplains na maging mabuting ehemplo hindi lamang sa salita kundi sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Ang panawagan ng Obispo ay kaugnay sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa katiwalian maging sa kalakalan ng ilegal na droga na kinasasangkutan ng mga tinaguriang Ninja cops.

Binigyan diin ng Obispo sa mga Chaplain na kabilang sa kanilang mandato bilang pulis at pari ay maging gabay sa pamumuhay ng kanilang mga kasamahan.

“Itong mga pari ko, I always tell them that you are there because you are priest you are not there because you are a policeman or with ranks you are priest and that is where you are ask to serve as priest, as moral compass,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio.

Sinabi ni Bishop Florencio na may 26 na police Chaplains sa PNP na kabilang sa 190 libong pulis sa buong bansa na gumagabay sa mga pulis na tuparin ang misyon para sa kabutihan.

“To do what is right and to avoid what is not good and not at the service of the people.” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas

Hindi naman inaasahan ni Bishop Florencio ang ginawang pagbibitiw ni PNP Chief Oscar Albayalde makaraang masangkot ang pangalan nito sa ‘Ninja Cops’.

Naniniwala ang Obispo na ang pagbibitiw ni Albayalde sa tungkulin ay para na rin pangalagaan ang buong institusyon ng PNP.

“Unang-una this is something na hindi ko inaasahan. But then because of the line of responsibility, I think that was a good move. That was a heroic moved on his part kasi nadawit ang whole organization. But I feel sad na umabot sa ganung punto,” ayon kay Bishop Florencio.

Unang nagsagawa ng retreat and recollection ang PNP chaplains sa St. Therese Shrine sa Villamor Airbase upang pag-ibayuhin ang kanilang pastoral work sa hanay ng pulisya.

Nagkasundo din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines at PNP sa pagkakaroon ng mga paghuhubog sa hanay ng pulisya o ang “Kaunting Pahinga” na ang layunin ay mapag-ibayo ang kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas, tagapangalaga at tagapaligtas ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,007 total reads

 46,007 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,837 total reads

 125,837 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,284 total reads

 159,284 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,582 total reads

 194,582 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,354 total reads

 419,354 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,878 total reads

 15,878 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top