Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pope Francis, nagpaabot ng pagbati kay PBBM

SHARE THE TRUTH

 716 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Kanyang Kabanalan Francisco kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. bilang ika – 17 pangulo ng Pilipinas.

Sa mensaheng ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ipinaabot ng santo papa ang taus-pusong pagbati sa bagong halal na pangulo ng bansa.

“I send my congratulations and cordial wishes to Your Excellency as you begin your mandate as the President of the Republic,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Dalangin ng Santo Papa ang katatagan ni President-elect Marcos Jr. sa pamumuno sa mahigit isandaang milyong Pilipino.

“In assuring you of my prayers that you will be sustained in wisdom and strength, I invoke Almighty God’s blessings of peace and prosperity upon the nation,” dagdag pa ng santo papa.

Nauna nang sinabi ni Archbishop Brown sa Radio Veritas ang positibong pakikipag-usap kay President-elect Marcos Jr. nang mag-courtesy call ito noong June 10 kung saan sentro ng talakayan ang pagpapatibay sa relasyon ng simbahan at pamahalaan.

Read; BBM, nakahandang makipagtulungan sa Simbahan

Sa June 30 ay pormal na manumpa at uupong ika – 17 pangulo ng Pilipinas si President-elect Marcos Jr. matapos piliin ng mayorya ng mga Pilipino sa nakalipas na 2022 national and local elections noong Mayo.

Isasagawa ang panunumpa sa National Museum of the Philippines alas dose ng tanghali na pangangasiwaan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 12,390 total views

 12,390 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 104,821 total views

 104,821 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 123,154 total views

 123,154 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 140,833 total views

 140,833 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 216,139 total views

 216,139 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 46,841 total views

 46,841 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top