Pope Francis, nakiramay sa pamilya ni Queen Elizabeth

SHARE THE TRUTH

 644 total views

Nakiramay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pamilya ni Queen Elizabeth II na pumanaw nitong September 8, 2022.

Sa liham ng Santo Papa ikinalungkot nito ang pagpanaw ng lider ng United Kingdom of Great Britain.

“Deeply saddened to learn of the death of Her Majesty Queen Elizabeth II, I offer heartfelt condolences to Your Majesty, the Members of the Royal Family, the People of the United Kingdom and the Commonwealth,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Nakiisa si Pope Francis sa mamamayang nagluksa sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II at kinilala ang mabubuting gawain sa loob ng pitong dekadang paninilbihan bilang reyna.

“I willingly join all who mourn her loss in praying for the late Queen’s eternal rest, and in paying tribute to her life of unstinting service to the good of the Nation and the Commonwealth, her example of devotion to duty, her steadfast witness of faith in Jesus Christ and her firm hope in his promises,” ani ng Santo Papa.

Matatandaang June 2, 2022 nang ipagdiwang ni Queen Elizabeth ang Platinum Jubilee o ika – 70 anibersaryo ng panunungkulan mula nang maitalagang reyna noong 1952 sa edad na 25 taong gulang kasunod ng pagpanaw ng kanyang ama na si King George VI.

Kasunod ng pagpanaw ni Queen Elizabeth II, itinalaga si King Charles ang dating Prince of Wales bilang kahalili na mamumuno sa Britanya at sa 14 na Commonwealth realms.

Tiniyak ni Pope Francis kay King Charles ang patuloy na panalangin sa namayapang lider na tinaguriang longest-serving monarch ng United Kingdom.

“I assure Your Majesty of my prayers that Almighty God will sustain you with his unfailing grace as you now take up your high responsibilities as King. Upon you and all who cherish the memory of your late mother, I invoke an abundance of divine blessings as a pledge of comfort and strength in the Lord,” saad ni Pope Francis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 3,346 total views

 3,346 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,707 total views

 28,707 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 39,335 total views

 39,335 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 60,311 total views

 60,311 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 79,016 total views

 79,016 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top