Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 352 total views

Kapanalig, economic recovery dapat ang tutok o focus ng bagong administrasyon ngayon. Ang laki ng nawala sa ating bansa dahil sa pandemya. Napakaraming mga Filipino ang naghihirap.

Unti-unti mang nagbubukas ang ekonomiya, gumapang naman pataas ang inflation rate ng bayan. Kahit gaano pa natin ito i-deny, nasa 6.1% na ang inflation rate ng ating bansa. Ang taas nito ay balakid sa recovery o pagbangon ng mga Filipino.

Ayon sa report ng Bangko Sentral nitong Mayo, ang pagtaas ng presyo ng langis ang isa sa pangunahing rason ng pagtaas ng mga key domestic items. Malaki ang epekto nito sa presyo ng bilihin sa ating bansa dahil nasa mahigit $100 kada barrel ang langis. Linggo-linggo, tumataas ng tumataas ang presyo ng gasolina at krudo, na siya namang mitsa upang tumaas ang iba pang presyo ng mga bilihin. Ano ba ang maaaring magawa ng ating pamahalaan upang mapagaan man lang ang dalahin ng ordinaryong Filipino?

Sa ordinaryong Filipino, ang mataas na inflation ay nangangahulugan ng pagtaas ng cost of living. Syempre, mas apektado dito lagi ang pinaka-mahirap sa ating hanay. Ang kita nila kada araw hindi tumataas, pero ang halaga ng mga produktong kanilang binibili ay tumaas na ang presyo. Suma total, para magkasya ang pera, mas kaunti na lang o mas mababang uri ng bersyon ng mga produktong kanilang tinatangkilik ang kanilang nabibili. Minsan pa nga, dahil sa taas ng presyo, hindi na lang bumibili.

Ang mataas na inflation ay isang malaking poverty trap kapanalig. Nakukulong nito ang maraming Filipino sa kahirapan, at sa pagtaas nito, pinaparami pa ang bilang ng mga mahihirap na nakukulong sa kawalan. Nawawala ang kanilang purchasing power, at napipilitan silang mangutang para lamang maka-survive.  Ang utang nila kapanalig,  ay mula sa mga informal sources, gaya ng mga kakilala o kaanak o maski five-six. Wala silang matatabi kapanalig. Hindi pa dumadating ang sweldo nila,  ubos na ito dahil sa taas ng bilihin at sa dami ng utang.

Kapanalig, kailangan ng agarang tulong ng ating mga kababayan ngayon. Ang projections ng ating mga eksperto nitong mga nakaraang buwan ay nasa mga 4% lamang ang inflation rate, ngunit ngayon, umabot pa ito sa napakataas na 6.1%. Isa sa mga relief measures na inaasam ngayon ng maralita ay ang subsidiya – pantawid sa panahon ng kagipitan ngayon.

Sa panahon ng kagipitan ng bayan, kapanalig, ang maralita ang unang-unang tinatamaan. Dito natin masusubukan ang ating commitment sa pagkakaisa. Kaisa ba natin ang maralita sa ating misyon tungo sa kaunlaran, o hahayaan natin silang maiwan? Pakinggan natin ang gabay mula sa Economic Justice for All: The obligation to provide justice for all means that the poor have the single most urgent economic claim on the conscience of the nation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 14,258 total views

 14,258 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 28,318 total views

 28,318 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 46,889 total views

 46,889 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 71,821 total views

 71,821 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 14,259 total views

 14,259 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 28,319 total views

 28,319 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 46,890 total views

 46,890 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 71,822 total views

 71,822 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,406 total views

 70,406 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,104 total views

 94,104 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 102,816 total views

 102,816 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,447 total views

 106,447 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,003 total views

 109,003 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567